^

PSN Palaro

GAB: Bahala na ang DOJ, BOI kina Barriga at Suarez

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinauubaya na lamang ng Games and Amusements Board (GAB) sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BOI) ang hakbang na gagawin sakaling ipagpatuloy nina national boxers  Charly Suarez at Mark Anthony Barriga ang paglahok sa AIBA Pro  Boxing.

Sa statement na inilabas ni GAB chairman Juan Ramon Guanzon sa Philboxing, sinabi niya na walang balak na magsampa ng kaso ang ahensya laban sa dalawang boksingero na inaasahan na maghahatid ng medalya sa Singapore SEA Games pero nalagay sa alanganin ang paglahok dahil sa bagong boxing tournament ng AIBA.

Walang balak ang ABAP na ipadala sa SEA Games sina Suarez at Barriga dahil pinagtutuunan nila ang makakuha ng puwesto ang dalawa sa 2016 Rio Olympics dahil isang Olympic qualifying event ang bagong kompetisyon.

Ngunit umalma ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa aksyon na ito dahil mapipilayan ang hangaring gintong medalya na mapapanalunan sa Singapore.

Bunga nito ay kinuwestiyon ng dalawang sports bodies ang AIBA Pro Boxing kung ang status ba nito ay isang professional o amateur.

Para sa GAB, professional ito dahil iba ang batas nito kumpara sa mga amateur tournaments na pinatatakbo ng AIBA.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

CHARLY SUAREZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

JUAN RAMON GUANZON

MARK ANTHONY BARRIGA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PRO BOXING

RIO OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with