^

PSN Palaro

Tatalunin si Prado Donaire determinado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bukod sa hangaring makabangon matapos ang masaklap na pagkatalo sa huling laban, dagdag inspirasyon pa ni Nonito Donaire Jr. para manalo kay William Prado ay ang pagkakawalay sa kanyang pamilya.

Si Donaire ay nasa bansa para harapin ang Brazilian na si Prado sa Marso 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bahagi ito sa Pinoy Pride 30 na handog ng Ala Promotions katuwang ang ABS-CBN.

Ito ang kanyang unang laban matapos ang sixth round knockout na pagkatalo sa kamay ni Nicholas Walters noong Oktubre 18 para isuko ang dating hawak na WBA Super World featherweight  title.

Haharapin ni Donaire si Prado na hindi makakasama ang asawang si Rachel at ang anak na si Jarel sa tabi dahil ipinagbubuntis ni Rachel ang kanilang magiging ikalawang anak.

Delikado umanong magdalang-tao si Rachel at sinabihan ng mga tumi­tingin na maiwan na lamang sa US.

Ngunit alam ni Donaire na wala siyang magagawa kundi ang harapin ito dahil oportunidad niya ito para pabanguhin uli ang kanyang pangalan.

“It’s my opportunity at gagawin ko ang lahat,” ani Donaire na hinarap ang mga mamamahayag sa pulong-pambalitaan kahapon sa Gloria Maris sa Gateway Mall sa Quezon City.

Balik siya sa bantamweight division at sinasabing lamang siya kay Prado na may 22 panalo matapos ang 27 laban.

Hindi nagkukumpiyansa si Donaire matapos ang nangyari sa kanya sa huling sampa sa ring. (AT)

vuukle comment

ALA PROMOTIONS

DONAIRE

GATEWAY MALL

GLORIA MARIS

MALL OF ASIA ARENA

NICHOLAS WALTERS

NONITO DONAIRE JR.

PASAY CITY

PINOY PRIDE

RACHEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with