^

PSN Palaro

Pacquiao-M’weather fight hitik sa aksyon - De La Hoya

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang nararamdamang sama ng loob si Oscar De La Hoya matapos magkasundo sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na maglalaban na rin sa loob ng ring.

Ang tinaguriang Golden Boy sa boxing ang siyang naunang nagplano na pagsagupain sina Pacquiao at Mayweather anim na taon na ang nakararaan.

Pero naunsiyami ito dahil may mga hindi pi­nagsang-ayunan ang dalawang panig.

“I’m happy because finally it will happen. This will help boxing,” wika ni De La Hoya sa Fox Deportes.

Sang-ayon si De La Hoya na matagal-tagal din ang inabot para maganap ang mega-fight na ito at kahit nagkaedad na sina Pacquiao at Mayweather ay natitiyak na ngayon ay may-ari ng Golden Boy Promotion (GBP) na makakapaghatid pa rin ng kasiyahan ang dalawa sa mga manonood.

“Both of them still have enough left to give us a big fight. Manny is still the same fighter who gives us plenty of action. He has lots of energy and he is never in a boring fight. The same with Mayweather,” wika nito.

Alam na alam ni De La Hoya ang kapasidad ng dalawa dahil tumikim siya ng kabiguan sa kanila.

Yumuko si De La Hoya kay Mayweather sa pamamagitan ng split decision noong Mayo 5, 2007 habang nagretiro siya sa eight round kontra kay Pacquiao noong Disyembre 6, 2008.

Ang pagkatalo kay Pacman ang siyang hud­yat upang magretiro ang boksingero na nanalo sa anim na magkakaibang dibisyon.

Bilis at lakas ang nakikita niyang bentahe ni Pacman habang nakikita niyang hindi sasabay at maghihintay ng pagkaka­taon si Mayweather para maipreserba ang kanyang malinis na karta na ngayon ay nasa 47-0 record.

“Floyd will have to move and box. He won’t trade punches because it would be very dangerous to do so. For Manny, he would have to enter in great physical condition and throw a lot of punches from diffe­rent angles, punish him on the arms, use the jabs, use his legs to go inside and outside and go side to side,” paliwanag pa ni De La Hoya.

Sa Mayo 2 sa MGM Grand, Las Vegas ang laban at nakikita ng lahat na gagawa ng marka ang sagupaan sa kikitain nito.

vuukle comment

DE LA HOYA

FLOYD MAYWEATHER JR.

FOR MANNY

FOX DEPORTES

GOLDEN BOY

GOLDEN BOY PROMOTION

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with