^

PSN Palaro

La Salle, Ateneo unahang pumuwesto sa Finals

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Rizal Memorial Football Stadium)

2 p.m.  DLSU vs ADMU (Men’s semis)

4 p.m.  FEU vs UP (Men’s semis)

MANILA, Philippines — Paglalabanan ng mag­karibal na La Salle Archers at Ateneo Eagles ang u­nang upuan sa 77th UAAP Football Finals sa paglarga ng semis nga­yong hapon sa Rizal Memorial Football Stadium.

Parehong may magandang tsansa na manalo ang Archers at Eagles lalo pa’t sudden-death na ang tagisan sa Final Four.

Ang laro ay magsisi­mula sa ganap na alas-2 ng hapon bago gawin ang FEU Tamaraws kontra UP Maroons sa ikalawang semis sa alas-4 ng hapon.

Ang La Salle (32 points) at FEU (30) ang kumuha sa unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng elimination round ngunit di tulad sa mga nagdaang kompetisyon na may twice-to-beat advantage ang dalawang nangunang koponan, inalis na ito para mas magiging kapana-panabik ang aksyon.

Huling nagkampeon ang La Salle noon pang 1998 at nais din nilang maipaghiganti ang pagka-talo sa Ateneo sa semifinals sa Season 75.

Wala rin itulak-kabigin sa FEU at UP na parehong may mahuhusay na strikers na kayang magdomina sa laro.

Ang dalawang kopo­nang ito ang nagtuos sa Finals noong nakaraang taon at ang Tamaraws ay sasandal sa Season 76 MVP na si Paolo Bugas bukod pa kay Eric Giganto.

Si Jinggoy Valmayor ang siyang aasahan sa Maroons.

vuukle comment

ANG LA SALLE

ATENEO EAGLES

ERIC GIGANTO

FINAL FOUR

FOOTBALL FINALS

LA SALLE

LA SALLE ARCHERS

LARO NGAYON

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with