^

PSN Palaro

Kay Santy na kaya? stage 6 nadale ni Navarra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines – Mula sa umpisa hanggang sa matapos ang yugto ay nasunod ang kanilang plano.

Hinayaan ng grupo ng Navy Standard Insurance na mapasakamay ni Junrey Navarra ng PSC/PhilCycling ang Stage Six 152-km para tiyaking mapapasakamay ni Santy Barnachea ang overall crown ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC kahapon dito sa Harrison Avenue.

“Kapag may tumira sa top ten hahabulin namin, kapag walang tumira dadalhin lang namin. Iyon lang ‘yung plano. Huwag lang kami magpapakawala sa liku­ran namin,” sabi ng 38-anyos na si Barnachea, patuloy na isinuot ang red jersey.

Sa kanyang aggregate time na 21 oras, 49 minuto at 37 segundo abot-kamay na ng tubong Asingan, Pangasinan ang overall title at ang prem­yong P1 milyon.

Ito ay sa kabila ng nakatakdang Stage Seven 8.8-km Individual Time Trial ngayong umaga sa Sto. Tomas, Tuba Benguet kasunod ang Stage Eight 90-km criterium sa Harrison Avenue kinahapunan.

Nasa ilalim ni Barnachea sina Stage One winner George Oconer (21:57:09) ng PSC/PhilCycling, John Paul Morales (21:58:54) ng Navy, Edgar Nieto (22:00:51) ng composite team, Stage Two winner Ronald Oranza (22:01:07) ng Navy, Lloyd Lucien Reynante (22:01:23) ng Navy, 2012 Ronda titlist Irish Valenzuela (22:02:24) ng Army, Stage Three winner Baler Ravina (22:02:29) ng 7-Eleven, Cris Joven (22:03:39) ng Army at John Mark Camingao (22:08:47) ng Navy.

Si Barnachea ang magiging kauna-unahang two-time champion ng Ronda Pilipinas matapos maghari sa inaugural noong 2011.

Naglista naman ang 23-anyos na si Navarra ng bilis na 4:36:22 para angkinin ang Stage Six 152-km at ang premyong P30,000.

Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na dinomina ng tubong South Cotabato ang rutang Dagupan City hanggang Baguio City.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BALER RAVINA

BARNACHEA

CRIS JOVEN

DAGUPAN CITY

EDGAR NIETO

HARRISON AVENUE

RONDA PILIPINAS

STAGE SIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with