^

PSN Palaro

Semis cast kinumpleto ng Lady Tamaraws

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado

(Smart  Araneta Coliseum

2 p.m. NU vs UST

(Men’s  Final Four)

4 p.m. FEU vs NU

(Women’s step-ladder semis)

 

 

MANILA, Philippines - Dinaig ng FEU Lady Tamaraws ang UST Tigresses sa ikalima at hu­ling set para makumpleto ang 25-21, 25-15, 20-25, 16-25,15-6 panalo at makumpleto ang maglalaro sa semifinals sa 77th women’s volleyball playoff kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Gumawa ng career-high na tig-17 puntos sina Geneveve Casugod at rookie Heather Anne Guino-o habang ang bete­ra­nang si Bernadeth Pons ay may 17 puntos din para tapusin ng Lady Tamaraws ang dalawang taon na hindi nakakapasok sa post season.

May limang blocks si Casugod at dalawa rito ay ginawa sa deciding set  at ang huli ay kinuha laban kay Cherry Ann Rondina para matapos ang laro na tumagal ng isang oras at 55 segundo.

Si Rondina ang siyang nagbigay ng enerhiya sa ikatlo at apat na sets na nakuha ng UST para magkaroon ng momentum sa deciding set.

Pero hanggang 2-all  lamang ang kanilang pinakamagandang naipakita sa fifth set dahil si Guino-o ay may dalawang attack points para itulak ang FEU sa 8-2 kalamangan.

Ang panalo ay nagbi­gay karapatan sa FEU na kalabanin ang number three seed National University Lady Bulldogs sa unang hakbang sa step-ladder semis sa Sabado.

May 19 hits si Pamela Lastimosa para sa UST na sa ikatlong taon ay hindi  nakaalpas sa elimination round.

Samantala, pumasok na sa Finals sa men’s di­vison ang top seed na Ateneo Eagles nang kunin ang 25-16, 25-12, 26-28, 25-20 panalo laban sa Adamson Falcons.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nasa championship round ang Eagles pero maghihintay pa sila ng makakalaban dahil humirit ang nagdedepensang kampeon National University Bulldogs ng deciding game nang  talunin ang second seed UST Tigers, 26-24, 28-26, 23-25, 25-21. (AT)

 

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ARANETA COLISEUM

ATENEO EAGLES

BERNADETH PONS

CHERRY ANN RONDINA

FINAL FOUR

GENEVEVE CASUGOD

LADY TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with