^

PSN Palaro

Sinu-sino ang magpapatuloy pa?

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng Café France Bakers at Jumbo Plastic Giants na huwag masayang ang magandang ipinakita sa elimina­tion round kontra sa mga determinadong katunggali sa ‘ikaw-o-ako’ na labanan sa pagtatapos ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.

Ang Giants ay makiki­pagsubukan uli sa Cebua­na Lhuilier Gems sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng Bakers at Bread Story-Lyceum Pirates dakong alas-4 ng hapon at ang mananalo ang siyang aabante sa semifinals.

Pinalad ang Bakers at Giants na tumapos sa ikatlo at apat na puwesto sa single-round elimination kaya’t nakuha nila ang twice-to-beat advantage upang manatiling nakatayo kahit natalo sa pagsisimula ng quarters  noong nakaraang Huwebes.

Nangapa ang Bakers sa dating matikas na porma para isuko ang 72-79 pagkatalo habang naubos ang Giants sa huling yugto sa 53-63 pagluhod sa Gems.

“We need to play tough defense especially against their shooters if we want to advance into the semifinals,” wika ni Jumbo  Plastic  coach Stevenson Tiu na balak ang ikalawang sunod na paglalaro sa Final Four.

Naghihintay ang wa­lang talong Cagayan Valley Ri­sing Suns at Hapee Fresh Fighters sa semis na paglalabanan sa isang best-of-three series.

 

vuukle comment

ANG GIANTS

BREAD STORY-LYCEUM PIRATES

CAGAYAN VALLEY RI

D-LEAGUE ASPIRANTS

FINAL FOUR

FRANCE BAKERS

HAPEE FRESH FIGHTERS

JUMBO PLASTIC GIANTS

LHUILIER GEMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with