^

PSN Palaro

Tigresses sinolo ang third spot

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inangkin ng UST Tig­resses ang ikatlong puwesto nang pabagsakin ang FEU Lady Tamaraws, 25-19, 25-21, 25-23, sa 77th UAAP women’s volley­ball ka­hapon sa The Arena, San Juan City.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Tigres­ses tungo sa 5-5 baraha matapos bumangon mula sa 21-23 agwat sa third set.

May 16 kills tungo sa 17 puntos si Ennajie Laure, habang sina Pamela Lastimosa, Carmela Tunay at Marivic Meneses ay nag­hatid ng 12, 9 at 8 hits para sa UST.

Nagdagdag ng 10 kills si Lastimosa at ang kanyang pangalawang tapik ang bumasag sa 23-all iskor bago ibinigay ni Tunay ang panalo sa isang down-the-kill spike.

May 4-6 karta ngayon ang Lady Tamaraws at si Jerrilli Malabanan ang na­nguna sa koponan sa kanyang 6 hits.

Tinapos ng Adamson Lady Falcons ang apat na sunod na kabiguan sa 25-15, 25-22, 25-18 panalo laban sa UE Lady Warriors sa naunang laro.

Sina Amanda Villa­nue­va, Mylene Paat at Jessica Galanza ay may 13,11 at 11 hits para sa Lady Falcons na sinaluhan ang FEU at National University Lady Bulldogs at UP Lady Maroons para sa mahalagang ikaapat hanggang ikapitong puwesto sa 4-6 karta.

Ang Lady Warriors ay may 0-10 baraha.

 

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ANG LADY WARRIORS

CARMELA TUNAY

ENNAJIE LAURE

JERRILLI MALABANAN

JESSICA GALANZA

LADY

LADY TAMARAWS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with