^

PSN Palaro

Sheppard tinalo si Galedo sa Rematehan Aussie sa stage 1

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon

BALANGA, Bataan, Philippines  --- Nagparamdam sa balak na pagdedepensa ng titulo si Mark Galedo, ngunit naunahan nga lamang ng kanyang nakalaban para sa titulo noong nakaraang taon na si Australian Eric Sheppard na kumakarera ngayon para sa Taiwanese team na Attaque Team Gusto, sa Stage One ng 2015 Le Tour de Filipinas na handog ng Air 21 kasama ang MVP Sports Foundation kahapon.

Nanalo rin noong nakaraang taon sa Stage 1 Clark-Olongapo na tanging UCI sanctioned race sa bansa ang 23-gulang na si Sheppard at sa pagkakataong ito tinapos niya ang 126 kms. Balanga-Balanga sa loob ng tatlong oras at 16.13 minuto kasunod si Galedo ng 7-Eleven Road Bike Philippines na tatlong bisikleta lamang ang dis­tansiya na pumasok sa finish line bilang runner-up.

Kasama nila sa unang grupo na tumawid ng finish line sa tapat ng Bataan Tourism Center sa Roman Highway dito sina Thomas Lebas ng Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan) at Oleg Kemiakov ng Kazakhstan National Team na nakasama rin nila sa break-away group ng karera na suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon at mga road partners na Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX

“Bonus sakin na maaga akong nakapunta sa harapan, maganda rin na nasa likuran lang ako para di rin masyadong pressured,” pahayag ni Galedo na naunang nakalistang tumakbo para sa Philippine National Team ng PhilCycling ngunit ibinalik sa kanyang continental team na 7- Eleven dahil sa teknikalidad sa International Cycling Union regulations.

Lalarga Ngayon ang karera patungong Zambales para sa 154.70 Balanga-Iba Stage 2 ng apat na araw na karerang ito na inorganisa ng Ube Media Inc. na pi­namumunuan ni  Donna Lina-Flavier.

 

vuukle comment

ATTAQUE TEAM GUSTO

AUSTRALIAN ERIC SHEPPARD

BALANGA-IBA STAGE

BATAAN TOURISM CENTER

BRIDGESTONE ANCHOR CYCLING TEAM

DONNA LINA-FLAVIER

ELEVEN ROAD BIKE PHILIPPINES

GALEDO

INTERNATIONAL CYCLING UNION

KAZAKHSTAN NATIONAL TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with