^

PSN Palaro

Konting detalye na lang, swak na ang mega fight

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hanggang walang pormal na pahayag sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. ay hindi pa maaaring sabihin na tuloy na ang kanilang mega showdown sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ito ay sa kabila ng sinasabing pagkakasundo nina Pacquiao at Mayweather sa mga detalye ng kanilang inaabangang banggaan.

“No, I’m aware of the report, but there are still some contractual issues to work out. It’s (the fight) close but not  done  yet,” sabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ukol sa  ulat ng TMZ, ang nangungunang celebrity gossip at entertainment news portal.

Nauna nang pumayag ang 36-anyos na si Pacquiao sa 40/60 purse split na pabor sa 37-anyos na si Mayweather pati na ang pagsailalim sa isang Olympic-style random drug at blood testing.

Sa kanilang pag-uusap sa hotel suite ni Pacquiao sa Miami kamakailan ay sinabihan ni Mayweather si ‘Pacman’ na siya na ang gagawa ng formal announcement tungkol sa kanilang super fight.

Kaya naman nitong mga huling araw ay walang pa­hayag si Pacquiao sa kanyang Twitter at Instagram accounts.

Maliban kina Pacquiao at Mayweather, kasama rin sa usapan ang mga networks na Showtime/CBS at HBO para sa inaasahang pagbasag sa pay-per-view record sa boxing.

Ang Filipino world eight-division champion na si Pacquiao ay nasa bakuran ng HBO, habang may exclusive contract si Mayweather sa Showtime/CBS.

vuukle comment

ANG FILIPINO

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHOWTIME

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with