^

PSN Palaro

Texters, Energy sososyo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Alonte Sports Arena, Biñan, Laguna)

3 p.m. Talk ‘N Text vs Blackwater

5:15 p.m. Ginebra vs Barako Bull

MANILA, Philippines – Pupuntiryahin ng Talk ‘N Text ang kanilang ikala­wang sunod na panalo para makasosyo sa liderato, habang magpaparada naman ang Blackwater ng isang pamilyar na mukha bilang import.

Magtatagpo ang Tropang Texters at ang Elite, hinugot si naturalized import Marcus Douthit ng Gilas Pilipinas bilang kapalit ng may hamstring injury na si Chris Charles, ngayong alas-3 ng hapon sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Sa ikalawang laro sa alas-5:15 ng hapon ay tatar­getin ng Barako Bull ang kanilang pangalawang dikit na ratsada sa pagsagupa sa Barangay Ginebra.

“It seemed like we’re starting the first conference again. So we have to keep on working,” sabi ni coach Jong Uichico matapos ang 89-86 pagtakas ng kanyang Talk ‘N Text laban sa Rain or Shine Elasto Painters noong nakaraang Miyerkules.

Muling ipaparada ng Talk ‘N Text si 2014 PBA Best Import awardee Ri­­c­hard Howell laban sa 6-foot-11 na si Douthit ng Elite.

Nakalasap ang Blackwater ng 70-92 pagkatalo sa Barako Bull sa kanilang unang laro.

Huling nakita sa aksyon ang 34-anyos na si Douthit para sa Gilas Pilipinas ni dating coach Chot Reyes sa Incheon Asiad noong nakaraang taon.

Sa pagparada kay Douthit, naglaro sa PBA noong 2012 para sa Air21 Express, umaasa ang Elite ni mentor Leo Isaac na matitikman na nila ang kauna-una­hang panalo sa pro league matapos ang 12 sunod na kamalasan simula noong nakaraang Philippine Cup Finals.

vuukle comment

ALONTE SPORTS ARENA

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BEST IMPORT

CHOT REYES

DOUTHIT

GILAS PILIPINAS

N TEXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with