^

PSN Palaro

Nuggets durog sa Grizzlies

Pilipino Star Ngayon

MEMPHIS, Tenn. -- Kumalawit si Zach Randolph ng 15 points at 17 rebounds, habang nagdagdag si Jeff Green ng 13 points para pamunuan ang Grizzlies sa 99-69 paglampaso sa Denver Nuggets.

Nakamit ng Memphis ang kanilang pang-limang sunod na panalo.

Nilimitahan ng Grizzlies ang Nuggets sa 11 points sa first quarter at hindi na nakatanggap ng hamon para makuha ni Randolph ang kanyang ika-10 sunod na double-double.

Umiskor naman sina Courtney Lee, Nick Calathes at Beno Udrih ng tig-11 points kasunod ang 10 ni Marc Gasol.

Pinangunahan naman nina Wilson Chandler at Kenneth Faried ang Denver sa kanilang tig-10 points.

Naipatalo ng Nuggets ang walo sa kanilang huling siyam na laro. Matapos kunin ang 19-point lead sa first period ay itinala ng Memphis ang 50-35 abante sa halftime kung saan humugot si Randolph ng 11 points.

Pinalaki pa ng Grizzlies ang kanilang kalamangan sa 74-49 patungo sa final period.

Sa Los Angeles, kumamada si Jordan Hill ng 26 points at pinuwersa ang ikalawang overtime mula sa kanyang clutch jumper para tulungan ang Lakers sa pagpigil sa kanilang nine-game losing streak sa bisa ng 123-118 panalo sa Chicago Bulls.

Nag-ambag si Wayne Ellington ng 23 points kasunod ang 18 ni rookie Jordan Clarkson para sa Lakers, tinalo ang Bulls sa unang pagkakataon matapos noong January 9.

Naiwasan ng Lakers na malasap ang kanilang pang-10 sunod na kabiguan noong 1994 na minandohan ni Magic Johnson.

Dinuplika naman si All-Star Jimmy Butler ang kan­yang career high na 35 points sa panig ng Bulls, nakahugot kay Pau Gasol ng 20 points at 10 rebounds sa kanyang pagbabalik sa Staples Center para labanan ang Lakers.

vuukle comment

ALL-STAR JIMMY BUTLER

BENO UDRIH

CHICAGO BULLS

COURTNEY LEE

DENVER NUGGETS

JEFF GREEN

JORDAN CLARKSON

JORDAN HILL

KENNETH FARIED

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with