^

PSN Palaro

Bucks tinusta ang Heat

Pilipino Star Ngayon

MIAMI – Patuloy ang pagpapanalo ni Jason Kidd laban sa Miami Heat.

Tumipa si Brandon Knight ng 17 points at 6 assists at ang Milwaukee Bucks ay may pito pang players na nagtala ng double figures sa kanilang 109-102 pananaig sa Heat.

Naglista si Khris Middleton ng 17 para sa Bucks, nakahugot ng 15 kay Jerryd Bayless, 14 kay O. J. Mayo, 13 kay Giannis Anteto­kounmpo, 12 kay John Henson at 11 kay Chris Dudley.

Ito ang pang-pitong sunod na panalo ni Kidd laban sa Heat sa regular-season.

Sa panonood nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa courtside, tinalo ng Milwaukee ang Miami sa ikatlong sunod na pagkakataon nga­yong season.

Sa Oakland, California, nagsalpak si Derrick Rose ng isang step-back jumper sa huling pitong segundo sa overtime para akayin ang Chicago Bulls sa 113-111 panalo laban sa Golden State Warriors.

Winakasan ng Bulls ang franchise-record na 19-game home winning streak ng Warriors.

Nagdribol si Rose sa kaliwa para makakuha ng magandang anggulo laban kay Klay Thompson para sa kanyang winning jumper.

Tumapos si Rose na may 30 points mula sa 13-of-33 fieldgoal shoo­ting, habang napuwersa siya sa career-worst na 11 turnovers.

Nabigong maipasok ni Thompson ang kanyang running bank shot sa pagtunog ng final buzzer para sa unang kabiguan ng Golden State sa Oracle Arena sa nakaraang dalawang buwan.

Pinayuko  ng Memphis ang Dallas, 109-90.

Kumolekta si Zach Randolph ng 22 points at 10 rebounds, habang nagdagdag si Marc Gasol ng 15 points at  game-high 6 assists para sa Grizzlies, naipanalo ang kanilang walo sa huling siyam na laro para manatili sa itaas ng Southwest Division.

vuukle comment

BRANDON KNIGHT

CHICAGO BULLS

CHRIS DUDLEY

DERRICK ROSE

FLOYD MAYWEATHER

GIANNIS ANTETO

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

JASON KIDD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with