^

PSN Palaro

Lady Eagles kumakaway sa semis tigresses nanggulo sa standings

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado

(The Arena, San Juan City)

8 a.m. Ateneo vs NU (M)

10 a.m. UST vs Adamson (M)

2 p.m. Ateneo vs UP (W)

4 p.m. NU vs La Salle (W)

MANILA, Philippines – Gumawa ng season-high 30 hits si Alyssa Valdez para pangunahan ang 25-21, 17-25, 25-14, 22-25, 15-10, panalo ng nagdedepensang kampeon Ateneo Lady Eagles sa Adamson Lady Falcons sa 77th UAAP women’s volleyball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naipamalas ng Lady Eagles ang katatagan nang bumangon sa 2-4 iskor sa fifth set at nagawa pang ipanalo para isulong ang malinis na karta sa 9-0.

Isang panalo na lamang ang kailangang gawin ng koponan para pormal na pumasok sa Final Four.

May 24 kills si Valdez habang sina Amy Ahomiro at Ella de Jesus ay may tig-12 hits.  Sina Isabelle de Leon at Jhoana Loui­s­se Maraguinot ay may tig-siyam na puntos para sa Ateneo na nanalo kahit may 33 errors.

“Hindi maganda ang communication namin ngayon. Gaya ng inasahan ko, bibigyan kami ng Adamson ng magandang laban,” wika ni Valdez.

Ito ang ikaapat na su­­nod na pagkatalo ng A­damson para bumaba sa ikapitong puwesto sa 3-6 karta.

Ginulo ng UST  Tigres­ses ang labanan para sa ikatlo at apat na puwesto nang talunin ang National University Lady Bulldogs, 25-22, 25-19, 25-18, sa unang laro.

Magandang pagtutulungan ang naipakita ng UST para sungkitin ang kanilang ikatlong sunod na panalo kasabay sa pagpapalasap ng Lady Bulldogs ng ikalawang dikit na kabiguan matapos ang dalawang sunod na panalo sa pagrenda ng ba­gong coach na si Roger Gorayeb.

Dahil dito ang UST at NU ay magkakasalo kasama ng pahingang UP Lady Maroons at FEU Lady Tamaraws sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto sa 4-5 baraha. (AT)

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

FINAL FOUR

JHOANA LOUI

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with