^

PSN Palaro

Bakers, Giants pupuwesto sa F4

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon  (Ynares Sports Arena,  Pasig City)

2 p.m.  Bread Story-LPU vs Café France

4 p.m. Jumbo Plastic vs Cebuana Lhuillier

MANILA, Philippines – Puwesto sa semifinals ang balak hablutin ng Café France Bakers at Jumbo Plastic Giants sa pagsisimula ng PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kalaban ng Bakers ang Bread Story-LPU Pirates sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng Giants at Cebuana Lhuillier Gems dakong alas-4 ng hapon.

Isang panalo lamang ang kailangan ng Bakers at Giants dahil tumapos sila sa ikatlo at apat na puwesto para angkinin din ang twice-to-beat advantage sa yugto.

May 9-2 baraha ang Bakers at kasama sa kanilang hiniya ay ang Pirates sa 88-74 iskor noong Disyembre 18.

Ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na tatapak ang Bakers sa semifinals kaya’t tiyak na nasa kondisyon ang bataan ni coach Edgar Macaraya para agad na tapusin ang hininga ng bagitong koponan na Bread Story.

Nanalo rin ang Giants sa Gems, 63-61, upang magkaroon ng psycholo­gical advantage sa katunggali na tumapos sa ikalimang puwesto sa magkatulad na 7-4 baraha.

Tumibay pa ang lakas ng Giants sa pagbabalik ni Glen Khobuntin na naunang ipinahiram sa MJM Builders na namahinga na.

Ang Cagayan Valley Rising Suns ang siyang nanguna sa elimination sa malinis na 11-0 karta at siyang makakalaban ng mananalo sa Giants at Gems habang ang Hapee Fresh Fighters na may puma­ngalawang 10-1 baraha ang kalaban ng mananalo sa Bakers at Pirates sa semifinals na isang best-of-three series. (AT)

vuukle comment

ANG CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

BREAD STORY

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE ASPIRANTS

EDGAR MACARAYA

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with