^

PSN Palaro

Generals kampeon sa NCAA men’s volley

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naisakatuparan ng Emilio Aguinaldo College ang makasaysayang kampanya sa 90th NCAA men’s volleyball nang daigin ang St. Benilde sa sudden death, 25-22, 23-25, 25-19, 25-20, at iuwi ang men’s title kahapon sa The Arena sa San Juan Arena.

Kinuha ni Howard Mojica ang lahat ng 28 hits sa matitinding pag-atake ngunit nakatambal niya ang iba pang starters na sina Keith Melizza, Israel Encina at Sid Reymond Gerella sa huling dalawang sets na dinomina ng Generals para tapusin ang best-of-three series sa 2-1 iskor.

“Ibinigay na namin ang lahat, mentally at physically, sa game na ito,” wika ni Mojica na gumawa ng 26 at 33 hits sa naunang dalawang laro.

May 14 attack points tungo sa 15 hits si Meliza para tulungan ang EAC sa kahanga-hangang 63-38 demolisyon sa spike depart­ment.

Tig-walong blocks ang pinagsaluhan ng Gene­rals at Blazers pero dalawa rito ay ginawa ng EAC sa ikaapat na set. May apat na blocks si Gerella at ang huli ang nagbigay sa EAC ng anim na match point, 24-18.

Binawi ng Blazers ang dalawang puntos ngunit ibinigay rin ng St. Benilde ang laro sa isang service error para magdiwang ang mga panatiko ng EAC sa paghablot ng kanilang kauna-unahang seniors title sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Ito ang ikalawang sunod na taon na nasa finals ang Generals at binawi nila ang pagkatalo sa Perpetual Help noong 2014 sa panalong ito.

Hindi rin nagpahuli ang liberong si Juvie Mangarin at ang setter na si Francis Yu nang kakitaan din ng husay sa do-or-die game na ito.

Bukod sa kampeonato, apat na individual award ang naibulsa pa ni Mojica, tampok ang Season at Finals MVP. Siya rin ang lumabas bilang Best Scorer at Best Spiker ng liga. (AT)

vuukle comment

BEST SCORER

BEST SPIKER

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FRANCIS YU

HOWARD MOJICA

ISRAEL ENCINA

JUVIE MANGARIN

KEITH MELIZZA

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with