^

PSN Palaro

Hawks sinilo ang 15-sunod na panalo

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA -- Ipinoste ng Hawks ang kanilang pang-15 sunod na panalo, ang kanilang pinakamahabang winning streak sa franchise history.

Huwag asahan na na­­nam­namin nila ito ng matagal.

Nakatutok sila kung sino ang nasa harapan nila.

Umiskor si Paul Millsap ng 22 points, habang nagdagdag ng 17 si Jeff  Teague para sa 103-93 panalo ng Hawks laban sa Oklahoma City Thunder.

Patuloy ang pananalasa ng Atlanta na hindi inaasahang magiging isang title contender sa pagsisimula ng season.

Tangan ngayon ng Hawks ang kanilang Eas­tern-best record na 36-8.

Apat na starters ang umiskor sa double figures at si backup point guard Dennis Schroder ang nanguna sa kanilang arangkada sa fourth quarter.

Tumapos siya na may 13 points at 5 assists.

Pinamunuan ni Russell Westbrook ang Thunder sa kanyang 22 points, habang may 21 si Kevin Durant at 13 si Serge Ibaka.

Sa Oakland, California, nagtala si Klay Thompson ng record na 37-point third period performance para igiya ang Golden State Warriors sa 126-101 paggiba sa Sacramento Kings.

Ang Warriors ngayon ang may hawak ng pinakamaraming iniskor sa isang yugto.

Tumapos si Thompson na may career-high na 52 points, tampok dito ang league-record na siyam na 3-point shots sa isang yugto.

Sa iba pang resulta, nanaig ang Toronto Raptors sa Philadelphia, 91-86; tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Charlotte Hornets, 129-90; nalusutan ng Miami Heat ang Indiana Pacers, 89-87; giniba ng New York Knicks, ang Orlando Magic, 113-106; pinayuko ng Chicago Bulls ang Dallas Mavericks, 102-98; hiniya ng New Orleans Pelicans ang Minnesota Timberwolves, 92-84 at pinisak ng San Antonio Spurs ang L.A. Lakers, 99-85.

vuukle comment

ANG WARRIORS

CHARLOTTE HORNETS

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CAVALIERS

DALLAS MAVERICKS

DENNIS SCHRODER

GOLDEN STATE WARRIORS

INDIANA PACERS

KEVIN DURANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with