^

PSN Palaro

Alaska umangat sa 2-1

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

7 p.m.  San Miguel Beermen vs Talk N’Text Tropang Texters

 

MANILA, Philippines - Inilabas ni Calvin Abueva ang pinakamagandang laro sa conference para pangunahan ang Alaska sa 98-74 panalo laban sa Rain or Shine at hawakan ang 2-1 kalamangan sa PBA Philippine Cup semifinals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tumapos ang 6’3  guard taglay ang conference high 28 puntos mula sa 9-of-14 shooting, upang itambal sa 14 rebounds at tatlong steals kahit hindi starter ng Aces.

Bukod sa bangis ni Abueva, malaking bagay din ang offensive reboun­ding ng Aces na pinamahalaan ni Eric Menk habang ang mga buslo galing kina Cyrus Baguio, RJ Jazul, Chris Banchero at Jayvee Casio ang nagpanatili sa RoS na nakabaon sa kabuuan ng labanan.

Sa unang minuto ng first period lang nakaporma ang Elasto Painters nang kunin ang unang apat na puntos bago rumatsada na ang Aces.

Angat pa sa 10-7 ang RoS nang ipasok si Abueva at nagkalat ito ng siyam na puntos para pagningasin ang 17-2 palitan tungo sa pagtangan ng 24-12 lead.

Mula rito ay hindi na nakabangon pa ang  Elasto Painters na nakitang napatalsik sa laro sa ikatlong yugto sina coach Yeng Guaio at Beau Belga dahil sa kanilang ikalawang technical fouls.

Samantala, ilalapit ng San Miguel Beermen ang sarili sa puwesto sa finals sa pag-asinta ng mahirap na matinag na 3-0 kalamangan kontra sa Talk ‘N Text  Tropang Tex­ters ngayong gabi sa Game Three ng kanilang semis series.

Alaska 94 - Abueva 28, Menk 13, Baguio 11, Casio 11, Manuel 6, Banchero 5, Thoss 5, Hontiveros 5, Jazul 5, Dela Cruz 5, Eman 0, Dela Rosa 0, Exciminiano 0.

Rai or Shine 78 - Almazan 20, Lee 14, Belga 9, Norwood 8, Chan 6, Cruz 6, Ibañes 5, Quiñahan 4, Uyloan 3, Araña 2, Tang 1.

Quarterscores: 24-12, 42-27, 65-57, 94-78.

vuukle comment

ABUEVA

BEAU BELGA

CALVIN ABUEVA

CHRIS BANCHERO

ELASTO PAINTERS

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

SAN MIGUEL BEERMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with