Magiging balikatan ang 6th Le Tour
MANILA, Philippines – Nasa 13 continental teams at dalawang national teams ang magsusukatan ng galing sa 6th Le Tour de Filipinas na gagawin sa Pebrero 1 hanggang 4 sa susunod na taon.
Ang isang continental team ay binubuo ng mga siklista mula sa iba’t-ibang bansa na kinikilalang koponan ng international cycling body na UCI.
“With 13 continental and two national squads, the 2015 Le Tour will definitely be the most exciting,” wika ni Donna Lina-Flavier ng Ube Media na siyang race organizer.
Ang mga continental teams na kasali ay ang Satalyst Giant Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Astana Continental Team (Kazakhstan), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), TPT Cycling Team (Iran), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan) at 7-Eleven (Philippines).
Ang mga baguhan ang Team Novo Nordisk (USA), RTS Carbon (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Pishgaman Yazd Pro Cycling Team (Iran) at Singha Infinite Cycling Team (Thailand), at ang ang Uzbekistan ay magsasali ng kanilang national team.
Gagamitin ng dalawang local teams ang Le Tour bilang paghahanda sa 2015 Asian Road and Track Championship at sa Southeast Asian Games.
- Latest