^

PSN Palaro

Ellis sinapawan si Rondo sa panalo ng Dallas

Pilipino Star Ngayon

DALLAS – Ngayon pa lamang ay mayroon nang makakatuwang ang ba­gong hugot na si Rajon Ron­do sa backcourt ng Dal­las Mavericks.

Dinuplika ni Monta Ellis ang kanyang season high nang tumapos na may 38 points, kasama rito ang 11 sa huling apat na minuto ng fourth quarter, para pagbi­da­han ang 99-93 panalo ng Mavericks kontra sa San An­tonio Spurs.

Binasag ni Ellis ang 93-93 pagkakatabla mula sa kanyang salaksak sa huling 1:48 minuto para selyuhan ang panalo ng Dallas.

Natikman naman ng Spurs ang kanilang ikaapat na sunod na kamalasan.

Nagposte si Rondo, ang four-time All-Star na nag­laro ng walong seasons pa­ra sa Boston Celtics, ng 6 points mula sa 3-for-11 fieldgoal shooting sa kan­yang debut game para sa Mavericks.

Nagdagdag siya ng 9 assists at 7 rebounds.

Nalimita si Dirk Nowitzk sa 13 points buhat sa kanyang 4-of-14 shooting.

Pinangunahan ni Marco Belinelli ang San Antonio sa kanyang 21 points kasunod ang 16 ni Aron Baynes.

Ipinahinga ng Spurs sina vete­rans Tim Duncan at Manu Gi­nobili at hin­di pinaglaro sina Danny Green at Tiago Splitter, ha­bang may injury sina To­ny Parker (hamstring), Ka­whi Leonard (hand) at Patty Mills (back).

Sa New York, kumolekta si Eric Bledsoe ng 25 points at 10 rebounds at nagdagdag si Isaiah Tho­mas ng 22 points para tulu­ngan ang Phoenix Suns sa 99-90 pananaig sa Knicks.

Ito ang pang-pitong sunod na home loss ng  Knicks, hindi pa nananalo sa MSG matapos talunin ang Philadelphia noong Nov. 22.

Nalasap ng New York ang kanilang ikaapat na sunod na kabiguan para sa kanilang 5-24 record.

Sa iba pang laro, pinatumba ng Portland ang New Orleans, 114-88; dina­ig ng LA Clippers ang Milwaukee, 106-102; tinalo ng Denver ang Indiana, 76-73; at pinabagsak ng Atlanta ang Houston, 104-97.

vuukle comment

ARON BAYNES

BOSTON CELTICS

DANNY GREEN

DIRK NOWITZK

ERIC BLEDSOE

ISAIAH THO

MANU GI

MARCO BELINELLI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with