^

PSN Palaro

Aces nakauna

RC - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

7 p.m. San Miguel vs Talk ‘N Text (Game 1, Semis)

 

MANILA, Philippines - Bagama’t tinambakan ng 17 puntos sa second period, hindi pa rin ito naging dahilan para isuko ng Alaska ang laban.

Bumawi ang Aces sa second half para gulatin ang Rain or Shine Elasto Pain­ters, 87-80, sa Game One ng kanilang best-of-seven semifinals series para sa 2014-2015 PBA Philipine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humugot si guard RJ Jazul ng 10, tampok dito ang dalawang three-point shots, sa kanyang 12 points sa third quarter para sa pagresbak ng Alaska sa 17-34 pagkakabaon at kunin ang 59-55 bentahe sa 1:59 minuto nito.

Tumapos naman si center Sonny Thoss na may 16 points at 9 rebounds para sa 1-0 abante ng Aces sa kanilang semifinals showdown ng Elasto Painters.

Huling natikman ng Rain or Shine ang kalamangan sa 77-73 mula sa free throw ni Jeff Chan sa 5:28 minuto ng final canto.

Ngunit isang 12-0 bomba ang inihulog ng Alaska para kunin ang 85-77 kalamangan sa huling dalawang minuto ng laro.

Samantala, magsasagupa ang Talk ‘N Text at San Miguel Beer sa Game One ng kanilang semis showdown ngayong alas-7.

Ang San Miguel ang ikalawang koponang kumuha ng dalawang outright semifinals berth matapos ang Elasto Painters.

Kinailangan namang talunin ng Talk ‘N Text ang Barako Bull at ang Barangay Ginebra sa dalawang knockout stage ng quarterfinals para makapasok sa semifinals.

Tinalo na ng Tropang Texters ni head coach Jong Uichico ang Beermen ni mentor Leo Austria, 107-101, sa kanilang unang pagtutuos sa elimination round.

Alaska 87- Thoss 16, Casio 16, Abueva 14, Jazul 12, Menk 8, Baguio 7, Exciminiano 6, Manuel 4, Dela Cruz 3, Banchero 1, Eman 0, Hontiveros 0, Espinas 0, Dela Rosa 0.

Rain or Shine 80 - Chan 17, Belga 11, Almazan 10, Arana 8, Lee 7, Tang 7, Uyloan 6, Norwood 6, Cruz 6, Ibanes 2, Tiu 0, Quinahan 0, Teng 0,

Quarterscores: 14-21; 40-43; 61-58; 87-80.

vuukle comment

ANG SAN MIGUEL

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

DELA CRUZ

DELA ROSA

ELASTO PAINTERS

GAME ONE

MALL OF ASIA ARENA

N TEXT

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with