^

PSN Palaro

2nd PSC Chairman’s Cup Baseball Classic 4 teams agawan sa krusyal na panalo

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapatibayan ang Philab at Adam­son bukod sa Ateneo at ILLAM sa knockout games sa 2nd PSC Chairman’s Ba­seball Classic ngayong umaga sa Rizal Memorial Baseball Diamond.

Ang apat na koponang ito ay nasa lo­ser’s bracket sa kompetisyong inorga­nisa ni PSC chairman Ricardo Garcia at ang matatalo ay tuluyang mapapatalsik sa 14-koponang torneo.

Ang Philab ang siyang nagdedepen­sang kampeon habang ang Ateneo ang UAAP titlist at hangad ng dalawang nabanggit na  maipagpatuloy ang kampan­ya matapos matalo agad sa unang laro.

Sasandal ang Philab, kampeon din ng Commissioner’s Cup, sa kanilang karanasan dahil ang mga manlalaro nito ay ang dating kasapi ng Pambansang koponan para sibakin ang Falcons.

Ang Air Force at Unicorns ang nala­labing dalawang koponan sa winner’s group at maglalaban sila bukas.

Ang mananalo ang ookupa sa unang puwesto sa one-game finals at magtatag­lay ng twice-to-beat advantage laban sa mangunguna sa loser’s bracket.

vuukle comment

ANG AIR FORCE

ANG PHILAB

ATENEO

MAGPAPATIBAYAN

PAMBANSANG

PHILAB

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL BASEBALL DIAMOND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with