^

PSN Palaro

90th NCAA Women’s Volleyball Lady Stags ika-6 na biktima ang Lady Generals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Giniba ng San Sebastian Lady Stags ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals, 25-12, 25-18, 17-25, 25-14, para manatiling nasa unahan sa 90th NCAA women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpasabog ng 27 kills tungo sa 28 puntos si Gretchel Soltones bukod pa ang 11 digs habang ang liberong si Alyssa Eroa ay may 25 digs at 11 excellent receptions para patingkarin ang ikaanim na sunod na panalo ng koponang hawak ni Roger Gorayeb.

Si Jolina Labiano ay may 16 puntos, kasama ang 11 hits, para tulungan ang Lady Stags sa 52-30 bentahe sa attack points.

May apat pang service aces si Labiano para pamunuan ang koponan sa 14-4 kalamangan para maisantabi ng Lady Stags ang pagkakaroon ng 30 errors.

Gumawa si Charmille Belleza sa kanyang 13 puntos galing sa 11 kills at dalawang aces para sa Lady Generals na bumaba sa 2-4 baraha.

Nagwagi ang host Jose Rizal University Lady Bo­m­bers sa San Beda Lioness, 25-16, 25-16, 25-18, upang maitabla ang karta sa 3-3 kasabay ng pagpapatikim sa San Beda ng kanilang ikaapat na sunod na kabiguan.

Nanaig din ang Bom­bers sa Lions, 25-19, 25-23, 25-17, para sa kanilang ikalawang panalo matapos ang anim na laro.

Ang San Beda ay hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang apat na sagu­paan.

vuukle comment

ALYSSA EROA

ANG SAN BEDA

CHARMILLE BELLEZA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE LADY GENERALS

GRETCHEL SOLTONES

JOSE RIZAL UNIVERSITY LADY BO

LADY GENERALS

LADY STAGS

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with