^

PSN Palaro

3rd win dadagitin ng Lady Eagles vs Lady Tams

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta

Coliseum)

8 a.m.  UST

vs Ateneo (M)

10 a.m.  NU

vs La Salle (M)

2 p.m.  FEU

vs Ateneo (W)

4 p.m.  NU vs UP (W)

 

MANILA, Philippines - Masusukat ang katatagan ng nagdedepensang Ateneo Lady Eagles sa pagsukat sa FEU Lady Tamaraws sa pag­pa­pa­tuloy ng 77th UAAP wo­men’s volleyball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon at balak ng Lady Eagles na makuha ang ikatlong sunod na panalo para solohin ang lide­rato sa walong koponang liga.

Winalis ng Ateneo ang National University Lady Bulldogs at Adamson Lady Falcons sa kanilang unang dalawang laro ngunit tiyak na mapapalaban sila sa Lady Tamaraws na umani ng straight sets panalo sa UP Lady Maroons.

Parehong may mga be­­teranang manlalaro ang magkabilang kopo­nan kaya’t inaasahang ma­gi­ging mahigpitan ang ta­gisan.

Si Alyssa Valdez na siyang leading scorer matapos ang dalawang laro sa kinamadang 43 puntos, kasama ang 33 kills, ang mangunguna sa Ateneo habang sina Michelle Mo­rente, Julia Morado, Amy Ahomiro at Ella de Jesus ang magbibigay ng suporta upang manatiling malinis ang kanilang karta.

Sa kabilang banda, si Bernadeth Pons ang magdadala sa laban ng Lady Tamaraws matapos ang 14 kills at isang service ace na naitala kontra sa UP.

Tutulong din ang iba pang beterana tulad nina Remy Joy Palma at Geneveve Casugod para mapantayan ang 2-0 baraha ng La Salle Lady Archers.

Ang ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon ay sa pagitan ng National University Lady Bulldogs at UP Lady Maroons na parehong mag-uunahan sa paglista ng kanilang unang panalo.

May dalawang talo na ang NU at kakailanganin nila na may tumulong sa pambatong manlalaro na si Jaja Santiago na number three scorer sa liga sa naitalang 26 kabuuang puntos mula sa 24 kills at dalawang blocks.

Gagawin din ang ak­syon sa kalalakihan sa uma­ga at pakay ng nagdedepensang kampeon NU Bulldogs ang ikatlong sunod na panalo laban sa La Salle Archers na mag­­sisimula matapos ang pagkikita ng UST at Ateneo sa alas-8 ng umaga. (ATan)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

AMY AHOMIRO

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

LADY

LADY MAROONS

LADY TAMARAWS

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with