^

PSN Palaro

Alaska, San Miguel Beer ‘di bibitaw sa top spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang patuloy ang pagtatala ng panalo ng Beermen at ng Aces ay lalo pang lumalakas ang kanilang pag-asang ma­hablot ang dalawang outright semifinals seat.

Sasagupain ng San Miguel ang Meralco nga­yong alas-7 ng gabi matapos ang pakikipagharap ng Alaska sa NLEX sa alas-4:15 ng hapon sa 2014-2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Co­liseum.

Nasa isang four-game winning streak ngayon ang Beermen ni coach Leo Austria, habang target ng Aces ni Alex Compton ang kanilang ikalawang dikit na panalo.

Kasalukuyang magka­salo sa liderato ang San Miguel at ang Alaska sa magkapareho nilang 7-1 rekord kasunod ang Rain or Shine (6-2), Ginebra (5-3), Talk ‘N Text (5-3), nagdedepensang Purefoods (5-3), Meralco (4-4), Globalport (4-5), NLEX (3-5), Barako Bull (3-6) at mga sibak nang Kia (1-8) at Blackwater (0-9).

Nagmula ang Beermen sa 95-69 paglampaso sa Globalport Batang Pier, 95-69, noong Martes.

“I told the players that we need to win three of our last four games para mas maganda ang chance namin sa Top Two,” sabi ni Austria. “I think this is a good step.”

Sa naturang panalo ay itinala ni PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ang kanyang pang-walong sunod na double-double mula sa hinakot niyang 17 points at 13 rebounds.

Nanggaling naman ang Bolts ni Norman Black sa 74-77 kabiguan sa nagde­depensang Purefoods Hotshots noong Linggo.

Sa ikalawang laro, asam ng Aces ang ka­nilang dalawang sunod na panalo matapos talunin ang Batang Pier, 87-84 noong Sabado sa Cagayan De Oro City.

Nakalasap naman ang Road Warriors ng 93-95 pagkatalo sa Rain or Shine Elasto Painters noong Martes.

 

vuukle comment

ALEX COMPTON

BARAKO BULL

BATANG PIER

BEERMEN

CAGAYAN DE ORO CITY

GLOBALPORT BATANG PIER

LEO AUSTRIA

MERALCO

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with