^

PSN Palaro

Tornadoes giniba ang HD Spikers sa Biñan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binigyan ng Foton Tor­nadoes ang sarili ng magandang pagtatapos ang kampanya sa elimination round nang kunin ang 25-19, 25-17, 22-25, 25-23 panalo laban sa Cignal Lady HD Spikers sa 2014 Philippine Superliga na handog ng Asics kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nagdomina ang mga Russian imports ng Torna­does na sina Irina Tarasova at Elena Tarasova sa kanilang 25 at 20 puntos, tampok ang pinagsamang 31 kills, habang si Dona Mae Factor ay may 11 puntos upang ibigay sa expansion team ang ikatlong panalo sa 10 laro sa ligang inorganisa ng Sports Core at suportado ng Air 21, My Phone,Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Ito ang unang pagkaka­taon na nagdaos ang PSL ng laro sa Biñan at nangyari ito sa suportang ibinigay ni Mayor Marlyn “Len” Alonte na sinaksihan din ang ka­pa­na-panabik na laro.

Tinapos ng Cignal ang elims tangan ang 4-6 karta ngunit hindi na apektado ang koponan dahil lalaro sila sa semifinals katunggali ang number one team na Petron Lady Blaze Boosters sa Biyernes.

Magkakalaban pa ng Foton ang Mane ‘N Tail Lady Stallions  na may 3-7 karta sa Nobyembre 30 para sa ikalimang puwesto sa anim na koponang liga.

vuukle comment

ALONTE SPORTS ARENA

CIGNAL LADY

DONA MAE FACTOR

ELENA TARASOVA

FOTON TOR

HEALTHWAY MEDICAL

IRINA TARASOVA

JINLING SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with