^

PSN Palaro

Ateneo, La Salle nagpaparamdam

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa rin naghihiwalay ang Ateneo Lady Eagles at La Salle Lady Spikers sa unang puwesto nang kumubra ang mga ito ng magagarang panalo sa mga nakaharap sa 77th UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kinalos ng Lady Eagles ang Adamson Lady Falcons, 25-16, 25-18, 25-14, matapos ang mabangis na 25-22, 25-12, 25-15, straight sets panalo ng Lady  Spikers sa National University Lady Bulldogs sa unang laro.

Ang panalo ay kapwa nagbigay sa La Salle at Ateneo ng 2- 0 karta.

Si Victorana Galang uli ang nanguna sa dating kampeon sa 15 puntos, kasama ang limang aces, bago sinundan ni Kim Dy sa kanyang 10 puntos.

Sina Kim Fajardo, Mika Reyes at Cydthealee Demecillo ay nag-ambag ng pinagsamang 20 puntos para sa La Salle.

Tumapos si Jaja Santiago taglay ang 10 hits pero wala uli siyang nakuhang suporta sa mga kasamahan para bumagsak sa 0-2 ang Lady Bulldogs.

Ang kamador ng Ateneo na si Alyssa Valdez ay may 15 hits at may 12 puntos si Michelle Mo­rente na kinatampukan pa ng apat na blocks para hindi pa makalasap ng set loss ang nagdedepensang kampeon.

Dinurog ng Ateneo ang Adamson sa attack points, 40-26, at blocks, 13-2, upang patuloy na hindi makalipad ang Lady Falcons matapos ang dalawang laro.

Si Jessica Galanza ay mayroong 12 puntos mula sa siyam na kills, dalawang aces at isang block pero siya lamang ang lumaban para sa Adamson para samahan ang NU sa huling puwesto.

Samantala, nagsanib puwersa sina Rueben Inau­dito at Peter Torres sa 25 puntos na kinamada para ihatid ang NU Bulldogs sa 25-17, 25-23, 18-25, 25-13 pananaig laban sa FEU sa men’s division.

Umiskor din ng panalo ang Adamson laban sa Ateneo, 20-25, 27-25, 25-20, 25-15 sa isa pang laro sa men’s side.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

ALYSSA VALDEZ

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

CYDTHEALEE DEMECILLO

JAJA SANTIAGO

LA SALLE

LADY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with