^

PSN Palaro

Lady Eagles iiwas sa Falcons

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nananalig ang pamu­nuan ng Ateneo Lady Eagles na magpapatuloy ang magandang ipinakita ng mga kamador sa pagharap sa Adamson Lady Falcons sa pagpapatuloy ng 77th UAAP women’s volleyball ngayong hapon sa The  Are­na sa San Juan City.

Ang bakbakan ay iti­nakda dakong alas-4 at balak ng Eagles na sundan ang 25-21, 25-18, 25-15, pamamayagpag sa sinasabing dark horse na National University Lady Bulldogs.

Si Alyssa Valdez na gumawa ng 28 puntos sa hu­ling laro, ang mamumuno uli ngunit asahan ang suporta sa ibang kasamahan para manatiling nasa itaas.

Magsisimula ang nasabing tagisan matapos ang pagkikita ng La Salle Lady Archers at Lady Bulldogs sa alas-2 ng hapon.

Sasandalan ng Archers ang 25-23, 24-26, 25-14, 25-17, panalo sa Lady Falcons upang maipantapat sa inaasahang mas magandang laro mula sa NU.

Unang laro sa ganap na alas-8 ng umaga ay ang pagkikita ng two-time defending champion NU Bulldogs at FEU Tamaraws bago sundan ng tagisan ng Adamson Falcons at Ateneo Eagles dakong alas-10 sa men’s division. (AT)

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ADAMSON LADY FALCONS

ATENEO EAGLES

ATENEO LADY EAGLES

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with