^

PSN Palaro

Diretsong 52 sa Altas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagtulong sina Neil Barry Ytorzaita at Bonjomar Castel sa 24 puntos para pangunahan ang five-time defending champion Perpetual Help Altas sa kanilang ika-52 sunod na panalo sa pamamagitan ng 27-25, 25-14, 27-25, panalo sa Lyceum Pirates sa 90th NCAA men’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Napalaban ang Altas sa una at ikatlong set pero lumabas ang kanilang karanasan para mapanatili ang kanilang winning streak na nagsimula noon pang 2010.

Ito ng ikalimang sunod na tagumpay ng Altas sa season bagay na napantayan ng Emilio Aguinaldo College Generals nang hiritan ang Arellano Chiefs ng 25-17, 25-21, 25-22, panalo sa ikalawang men’s division.

Sa women’s play, naka­bawi ang nagdedepensang kampeon sa kababaihan na Lady Altas ng kumana ng 25-18, 25-21, 25-21, panalo sa Lyceum Lady Pirates para sa 4-1 karta.

Nanalo rin ang  Arellano Lady Chiefs  sa EAC Lady Generals, 25-13, 25-15, 25-20 at manatiling nasa itaas.

vuukle comment

ALTAS

ARELLANO CHIEFS

ARELLANO LADY CHIEFS

BONJOMAR CASTEL

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

LADY ALTAS

LADY GENERALS

LYCEUM LADY PIRATES

LYCEUM PIRATES

NEIL BARRY YTORZAITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with