^

PSN Palaro

Beermen muling makikisalo vs B-Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang 10 panalo ang sisiguro sa isang koponan ng isa sa dalawang outright semifinals ticket.

Kaya naman ito ang ha­ngad ng San Miguel sa pagsagupa sa Globalport nga-yong alas-4:15 ng hapon kasunod ang banggaan ng Rain or Shine at NLEX sa alas-7 ng gabi sa 2014-2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nasa three-game ang Beermen, ang huli nilang giniba ay ang Kia Sorento, 90-74, kung saan humakot ang 6-foot-10 na si June Mar Fajardo ng 36 points at 17 rebounds.

Muling sinolo ng Alaska ang liderato sa kanilang 7-1 record kasunod ang San Miguel (6-1), Rain or Shine (5-2), Ginebra (5-3), Talk ‘N Text (5-3), nagdedepensang Purefoods (4-3), Globalport (4-4), Meralco (4-4), NLEX (3-4), Barako Bull (2-6), Kia (1-7) at Blackwater (0-8).

Bukod kay Fajardo, aasa rin ang Beermen kina MVP Arwind Santos, Chris Lutz, Sol Mercado at Marcio Lassiter.

Hangad naman ng Ba­tang Pier ni mentor Pido Jarencio na makabawi sa 84-87 kabiguan sa Alaska Aces noong Sabado sa Cagayan De Oro City.

Sa ikalawang laro, pupuntiryahin din ng Rain or Shine ni Yeng Guiao ang kanilang pang-apat na sunod na ratsada sa pagtapat sa NLEX ni Boyet Fernandez.

vuukle comment

ALASKA ACES

ARWIND SANTOS

BARAKO BULL

BEERMEN

BOYET FERNANDEZ

CAGAYAN DE ORO CITY

CHRIS LUTZ

GLOBALPORT

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with