^

PSN Palaro

Pierce, Wall humataw sa panalo ng Wizards

Pilipino Star Ngayon

MILWAUKEE – Umaasa si Washington Wizards coach Randy Wittman na magiging maganda pa ang ilalaro ng kanyang koponan para maging title contender.

Sumandal kina John Wall at Paul Pierce at nakaba­ngon mula sa 15-point deficit sa first half, niresbakan ng Wizards ang Milwaukee Bucks, 111-100.

Pinangunahan ni Pierce ang Wizards sa kanyang  25 points, samantalang nag­tala si Wall ng 19 points at 9 assists.

Sinabi ni Wittman na na­dismaya siya sa kanilang naunang pagkatalo sa Cleveland Cavaliers.

“We t­hrew the ball over the place to start the game,” wika ni Wittman. “We were able to right the ship late in the second quarter. In years past, we may not have been able to recover. ”

Tangan ng Washington ang ikalawa sa pinakama­gandang record ngayon sa Eastern Conference sa kanilang 9-3 baraha.

Kinontrol ng Wizards ang laro nang umiskor ng 19 points kumpara sa 8 ng Bucks sa pagsisimula ng fourth quarter at kinuha ang 93-78 abante nang isalpak ni Bradley Beal ang isang 17-foot jumper sa 7:15 minuto nito.

Nakalapit ang Milwaukee sa 97-104 agwat sa 2:13 minuto mula sa jum-per ni Ersan IIyasova kasunod ang 19-foot jumper ni Pierce para muling ilayo ang Washington sa 106-97 sa huling 1:13 minuto.

Inagaw ni Wall ang inbounds pass para sa kanyang dunk sa 1:10 minuto para selyuhan ang panalo ng Wizards. Nagdagdag si Beal ng 17 points.

Sa iba pang laro, tinalo ng Phoenix Suns ang Indiana Pacers, 106-83; nalusutan ng Miami Heat ang Orlando Magic, 99-92; pinayuko ng Toronto Raptors ang Cleveland Cavaliers, 110-93; namayani ang  Houston Rockets sa Dallas Mavericks,  92-95.

vuukle comment

BRADLEY BEAL

CLEVELAND CAVALIERS

DALLAS MAVERICKS

EASTERN CONFERENCE

HOUSTON ROCKETS

INDIANA PACERS

JOHN WALL

MIAMI HEAT

MILWAUKEE BUCKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with