^

PSN Palaro

Pinakyaw si Algieri 6 beses pinabagsak Pacman gusto nang isunod si M’weather

Pilipino Star Ngayon

MACAU – Hindi na kina­ilangan ni Manny Pacquiao na umiskor ng knockout para ipaalala sa buong mundo ang kanyang ka­bagsikan at kahandaang labanan ang sinuman sa loob ng boxing ring.

Ibilang na rito si Floyd Mayweather Jr.

Ang ginawa lamang ni Pacquiao ay ang pabagsa­kin si Chris Algieri ng anim na beses sa harap ng pro-Filipino crowd dito sa Cotai Arena.

“I want that fight. The public deserves that fight. It’s time to step up and say yes,” sabi ni Pacquiao sa Mayweather fight.

Ginamit ni Pacquiao si Algieri para iparating ang kanyang mensahe kay Mayweather.

Ang unang knockdown, tila isang pagkakadulas lamang, ay nangyari sa second round kasunod ang mga kumbinsidong pagpapatumba ni Pacquiao kay Algieri ng dalawang beses sa sixth at ninth at isa pa sa 10th round.

Tumambling si Algieri malapit sa kanyang corner matapos tumumba sa ninth round matapos ang left straight mula kay Pacquiao.

Sa 10th round ay mu­ling bumagsak si Algieri mula sa kombinasyon ni Pacquiao.

Gustung-gusto ni Pacquiao na makakuha ng knockout na hindi niya na­ibigay sa mga fans sa mahabang panahon matapos walang pagod na habulin ang 5-foot-10 na si Algieri sa buong laban.

Nagbigay ang tatlong judges ng mga iskor na 119-103, 119-103, 120-102 para kay Pacquiao na napa­natiling suot ang kanyang WBO welterweight title.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng dating pound-for-pound champion mula sa Sarangani matapos ang dalawang dikit na kabiguan noong 2012.

Nalasap naman ni Algieri ang kauna-unahan niyang pagkatalo sa 21 fights.

Umayon naman ang Pacquiao crowd, kinabibilangan ng mga politicians, actors, basketball figures at kanyang pamilya at mga kaibigan.

“I’m satisfied with my performance tonight. I tried to knock him out. I did my best,” sabi ni Pacquiao bago siya tanungin tungkol sa Mayweather bout. (AC)

vuukle comment

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

FLOYD MAYWEATHER JR.

GINAMIT

GUSTUNG

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with