^

PSN Palaro

Cavs tinakasan ng Spurs

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND--Napuwersa ni Manu Ginobili sa isang krusyal na error si LeBron James para itakas ang 92-90 panalo ng San Antonio Spurs laban sa Cleveland Cavaliers noong Miyerkules.

Wala ng timeout ang home team kaya’t napilitang magmadali sa pagbaba ng bola si James pero nadiskaril ang kanyang behind-the-back dribble dahil sa depensa ni Ginobili na naghatid pa ng tatlong mahahalagang puntos sa huling 18 segundo upang manalo ang Spurs sa Ca­valiers sa ika-sampung sunod na pagkikita.

Sina Tim Duncun at Boris Diaw ay may tig-19 puntos para sa nagdedepensang kampeon Spurs habang si James ay mayroong 15 puntos sa 6-of-17 shooting lamang.

Sa Houston tumapos si Kobe  Bryant na may 29 puntos ha­bang may dalawang mahahalagang free throws si Wesley Johnson sa huling mga minuto ng labanan para kunin ng  La­kers ang ikalawang sunod na panalo sa Rockets, 98-92.

Isang 3-point play ni Bryant na nasundan ng apat pang free throws ni Johnson ang nagpasiklab sa 7-1 run para lumamang ang Lakers  94-92, sa Roc­kets na hindi nakasama ang sentrong si Dwight Howard.

Sa iba pang resulta, nanalo ang Milwaukee Bucks sa Brooklyn Nets, 112-118; ang Indiana laban sa Charlotte, 88-86; ang Boston sa Philadelphia, 101-90; Dallas sa Washington, 105-102; Phoenix sa Detriot, 88-86; Toronto sa Memphis, 96-92; Denver sa Oklahoma, 107-100; at Los Angeles Clippers sa Orlando Magic, 114-90.

vuukle comment

BORIS DIAW

BROOKLYN NETS

BRYANT

CLEVELAND CAVALIERS

DWIGHT HOWARD

LOS ANGELES CLIPPERS

MANU GINOBILI

MILWAUKEE BUCKS

ORLANDO MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with