^

PSN Palaro

Tanduay igigiit ang karapatan kay Belo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi mangingimi ang pa­munuan ng Tanduay Light Rhum Masters na dumulog sa korte para ipaglaban ang kanilang karapatan kay FEU Tamaraws power forward Mark Belo.

Si Belo ay pinili ng kopo­nang dating kilala­ng Boracay Rhum Waves bilang second round pick noong 2013 Rookie Draft ng PBA D-League.

Pumirma ang 6-foot-4 cager ng kontrata noong Ok­tubre 1, 2013 at ito ay mag­tatagal hanggang Ma­yo ng 2015.

Nagkaroon ng problema dahil ang Tamaraws ay si­nusuportahan ng MJM M-Builders sa idinadaos na PBA D-League Aspirants’ Cup at si Belo na may isang taon pang playing year sa UAAP ay nais na samahan ang mga kakampi sa nasabing koponan.

Sa panayam kay coach at operations manager ng Tanduay na si Lawrence Chongson, sinabi niya na ba­­gama’t bukas ang kanyang koponan na bitiwan si Belo para makapaglaro sa FEU, hindi naman  ito pu­wedeng gawin kung sa kalabang koponan nila mag­lalaro ang dating national player na nakatulong sa pagsungkit ng gintong medalya sa 2013 Myanmar SEA Games.

“Kung sa ibang liga mag­lalaro ang FEU, okey sa amin na bitiwan siya. Pero hindi sa iisang liga at sa kalaban namin siya maglalaro,” wika ni Chongson.

Kumikilos ang Tanduay para hindi ma­wala si Belo matapos mauwi sa wala ang pag­kuha bilang No. 2 pick overall sa isinagawang drafting kay Chris Newsome ng Ateneo.

Hindi nabigyan ng offer ng koponan ang 6’2 Fil-Am guard sa loob ng limang araw matapos ang drafting kaya ito nakuha ng Hapee Toothpaste.

Nilinaw ni Chongson na hindi nila puwedeng ibigay ng hindi lumalaban si Belo.

Nagsabi na ang PBA na hindi makikialam sa player at sa koponan dahil internal problem ito.

“As a coach, kung ayaw sa amin, bakit ko pipilitin. Pero bilang operations ma­nager, kailangan kong pa­ngalagaan ang interes ng team. Bibigyan pa namin siya ng panahon pero kung hindi pa rin siya magpa­pa­­kita, wala na akong ma­­gagawa kundi ang pumunta sa korte,” babala pa ni Chongson kay Belo.

vuukle comment

BELO

BORACAY RHUM WAVES

CHONGSON

CHRIS NEWSOME

D-LEAGUE ASPIRANTS

HAPEE TOOTHPASTE

LAWRENCE CHONGSON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with