^

PSN Palaro

Bolts nalusutan ang Elite sa OT

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi dapat magkumpiyansa ang isang koponan laban sa expansion team.

Ito ang natutuhan ng Meralco matapos malampasan ang ratsada ng Blackwater sa fourth quarter para kunin ang 83-75 overtime win sa 2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Bolts makaraang sikwatin ang 112-108 double overtime victory laban sa Barako Bull Energy.

“I don’t like overtimes but my players seem to like it,” pagbibiro ni head coach Norman Black.

Kumolekta si Cliff Hodge ng 26 points at 18 rebounds para sa Meralco, nagtayo ng 19-point lead, 51-32, sa third period.

Nagpakawala naman ng 23 points ang Blackwater sa kabuuan ng fourth quarter para makapuwersa ng extra period sa 70-70 matapos ang isinalpak na three-point shot ni Bam Bam Gamalinda.

Binuksan ng Elite, natikman ang kanilang pangatlong dikit na kamalasan, ang overtime mula sa basket ni Gamalinda kasunod ang dalawang magkahiwalay na 3-point shot ni John Wilson at tirada ni Mike Cortez para ibigay sa Bolts ang 78-72 abante sa 2:34 minuto ng laro.

Matapos ang isang free throw ni Alex Nuyles, kumamada ng 8 points sa fourth quarter, para sa 73-78 agwat ng Blackwater ay nagtuwang sina Wilson at Hodge para ilayo ang Meralco sa 83-73 sa huling 13.7 segundo.

Samantala, tatargetin ng Barangay Ginebra ang kanilang ikatlong sunod na panalo para masolo ang liderato sa pagsagupa sa NLEX ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.

Sa unang laro sa alas-4:14 ng hapon ay magkikita naman ang Rain or Shine at ang Kia Sorento.

Meralco 83 - Hodge 26, Guevarra 10, Wilson 9, Anthony 9, David 7, Ildefonso 6, Ferriols 6, Atkins 4, Cortez 2, Dillinger 2, Hugnatan 2, Morrison 0, Buenafe 0, Sena 0, Macapagal 0.

Blackwater 75 - Nuyles 14, Menor 14, Faundo 10, Gamalinda 10, Artadi 6, Laure 6, Timberlake 5, Erram 4, Tiongson 2, Rodriguez 2, Ballesteros 2, Cawaling 0, Austria 0.

Quarterscores: 26-20; 44-32; 61-47; 70-70; 83-75 (OT).

vuukle comment

ALEX NUYLES

BAM BAM GAMALINDA

BARAKO BULL ENERGY

BARANGAY GINEBRA

BIG DOME

CLIFF HODGE

GAMALINDA

JOHN WILSON

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with