^

PSN Palaro

Hapee nagpalakas pa, hinugot si Rosario

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi kukulangin ng malalaking manlalaro ang Hapee Toothpaste na magbabalik sa commercial league sa pagsali sa PBA D-League Aspirants’ Cup.

Nasa koponan na sina 6’9 Arnold Van Opstal at 6’8 Ola Adeogun, napapirma pa ng koponang pag-aari ni Dr. Cecilio Pedro si 6’7 Troy Rosario na naglaro sa UAAP champion team National University.

“We are glad he picked Hapee to be his team in the PBA D-League. His championship experience will rub on his Hapee teammates,” wika ni team manager Bernard Yang.

Ang pagkakaroon ng matibay na sentro ang susuporta sa kanilang mga shooters tulad nina UAAP MVP Bobby Ray Parks Jr. at NCAA MVP Garvo Lanete.

Nasa koponan din sina Baser Amer, Arthur dela Cruz na nakasama ni Adeogun na ibinigay sa San Beda ang ikalimang sunod na kampeonato sa NCAA, bukod pa kay NCAA MVP Earl Scottie Thompson.

Dahil sa star-studded ang line-up ng koponang haha­wakan ni coach Ronnie Magsanoc kung kaya’t ang Hapee ang siyang itinuturing bilang team to beat sa 12 koponang liga na magbubukas sa Oktubre 27 sa Ynares Sports  Arena sa Pasig City.

Sa Nobyembre 6 pa magsisimula ang kampanya ng Hapee kontra sa Racal Motors at ang ilang araw na bakasyon ay kanilang gagamitin para mabuo ang team work na mahalaga para makamit ang pangarap na titulo sa liga. (AT)

vuukle comment

ARNOLD VAN OPSTAL

BASER AMER

BERNARD YANG

BOBBY RAY PARKS JR.

D-LEAGUE ASPIRANTS

DR. CECILIO PEDRO

EARL SCOTTIE THOMPSON

GARVO LANETE

HAPEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with