^

PSN Palaro

5-peat sa Lions, Red Cubs humirit sa Red Robins ng game 3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nagpapigil ang San Beda Red Lions sa paggawa ng kasaysayan sa 90th NCAA men’s basketball nang walisin nila ang Arellano Chiefs sa 89-70 tagumpay sa Game Two kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagpakawala si Anthony Semerad ng 30 pun­tos habang ang mga malala­king manlalaro na sina Kyle Pascual, Ola Adeogun at Arthur dela Cruz ay nasa double-digits din para makumpleto ang dominanteng paglalaro sa best-of-three series at ibigay sa Lions ang kanilang ikalimang su­nod na titulo at pang-19 sa kabuuan.

Nagbagsak si Semerad ng 12 puntos na kinuha sa 15-foot line para ibigay din sa kanya ang Finals MVP.

Hindi nagpahuli si Pas­­cual, ang natatanging manlalaro sa koponan ni coach Boyet Fernandez na kasama sa limang kampeonato, dahil nagbagsak siya ng siyam sa kanyang 16 puntos sa huling 10 minuto para hindi maramdaman ang ‘di na paggamit kay Adeogun.

“This is my last year and I’m so happy that I wanted to enjoy this moment,” wika ni Pascual na dumaan sa tatlong coaches na kinabilanganan din nina Frankie Lim at Ronnie Magsanoc.

May 15 puntos, 8 rebounds, 3 blocks at 1 assist si Adeogun at  walo rito ay kanyang kinamada noong dumikit ang Chiefs sa pito, 48-41, habang si Dela Cruz ay may 12 puntos pa.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil kung wala siya, hindi namin ito maaabot. Salamat din sa San Beda community lalo na kay boss MVP (Manny V. Pangilinan) na siyang sumuporta sa programa. This championship is for the players. They wanted a five-peat, they got it,” wika ni Fernandez.

Ito na ang huling taon ni Fernandez sa koponan dahil babalik na siya sa PBA  para pangunahan ang  NLEX Road Warriors.

Sa ikalawang yugto lumabas ang laro ng Red Lions at ang tig-dalawang triples nina Semerad at Dan Sara ang nagbigay ng 35-21 bentahe.

Pinakamalaking bentahe sa laro ay 16 puntos pero nagpakita ng senyales ang tropa ni coach Jerry Codiñera na babangon sila sa ikatlong yugto.

Gamit ang ipinagmamalaking pressing defense, nahiritan ng Chiefs ng 11 errors ang San Beda para matapyasan ang kalama­ngan sa pito, ang huli ay sa 48-41, sa buslo ni Levi Hernandez.

Ngunit nakapag-adjust ang Lions at tumutok ang opensa kay Adeogun na hindi sumablay sa anim na free throws at may matin­ding dunk.

May posibilidad na da­lawang kampeonato ang maiuwi ng San Beda dahil naitabla ng Red Cubs ang best of three series sa juniors division laban sa Mapua Red Robins sa 78-68 tagumpay. (ATan)

San Beda  89-- A. Se­merad 30, Pascual 16, Adeogun 15, Dela Cruz 12, Mendoza 6, Sara 6, Amer 4, Koga 0, D. Semerad 0, Tongco 0.

Arellano 70-- Agovida 22, Ciriacruz 15, Jalalon 6, Hernandez 6, Enriquez 6, Holts 6, Pito 3, Salcedo 2, Bangga 2, Ortega 2, Gumaru 0, Nicholls.

Quarterscores: 22-14, 39-25, 63-52, 89-70.

vuukle comment

ADEOGUN

ANTHONY SEMERAD

ARELLANO CHIEFS

BOYET FERNANDEZ

DAN SARA

DELA CRUZ

SAN BEDA

SEMERAD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with