^

PSN Palaro

5-peat tanaw na Lions pinosasan ang Chiefs sa game 1

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  panalo pa at magiging ikalawang koponan ang San Beda Red Lions na nakasungkit ng limang sunod na titulo sa NCAA.

Kumana si Ola Adeogun ng 14 puntos, 14 rebounds at 4 blocks para tulungan ang Lions sa 74-66 panalo sa Arellano Chiefs sa Game One ng 90th NCAA men’s basketball  Finals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May all-around game na 17 puntos, pitong assists at limang rebounds si Baser Amer habang sina Anthony Semerad at Arthur dela Cruz ay naghatid pa ng 14 at 13 puntos para kunin ang 1-0 kalamangan sa best-of-three championship series.

Mainit agad si Seme­rad matapos maghatid ng siyam na puntos sa unang yugto na kung  saan lumayo ang Lions ng 15 puntos, 26-11.

Naghabol ang Chiefs at nagawang itabla ang iskor sa 31-all pero si Adeogun at Dela Cruz ay naghatid ng tig-apat na puntos habang si Semerad ay kumana ng ikalawang triples para sa 40-31 halftime lead.

Magkasunod na tres nina Amer at Dan Sara ang naglayo pa sa Lions sa 50-37 at kahit napababa ng Chiefs ang kalamangan sa lima, 61-56, sa magkasunod na transition baskets ni Jiovani  Jalalon, ay sapat pa rin ang puwersa ng bataan ni coach Boyet Fernandez para maisantabi ang paghahabol ng Chiefs.

Si Keith Agovida ay gumawa ng 14 puntos at 17 rebounds pero nagtala lang siya ng 4-of-13 shooting sa free throw line.

May 11 puntos si Dioncee Holts puntos habang si Jalalon ay may siyam na puntos lamang dahil na-foul out siya sa huling 6:07 ng hu­ling yugto.

Samantala, lumapit ang Mapua Red Robins para tapusin ang limang taong dominasyon ng San Beda Red Cubs sa 84-75 tagumpay sa juniors division.

Hanap ng Red Robins na makatikim uli ng kampeonato na huling nangyari noon pang 2000.

 

vuukle comment

ANTHONY SEMERAD

ARELLANO CHIEFS

BASER AMER

BOYET FERNANDEZ

DAN SARA

DELA CRUZ

DIONCEE HOLTS

GAME ONE

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with