^

PSN Palaro

Higante ng Petron nanalasa sa PSL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakita ang bangis ng pagtatambal ng mga matatangkad na sina Alaina Bergsma at Dindin Santiago para tulungan ang Petron Blaze Spikers sa 26-24, 25-18, 23-25, 25-23, panalo sa Generika sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics noong Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang 6’3  import ay nagpasabog ng 23 puntos habang ang 6’2  na si Santiago ay may 22 para sa one-two punch ng Blaze Spikers para pangatawanan ang taguri bilang team to beat sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR bilang technical partners.

Tama naman ang pagpili ng Petron kay Erica Adachi ng Brazil dahil ang setter ay mayroong 47 excellent sets na ang karamihang puntos dito ay ginawa nina Bergsma at Santiago.

Sa ikaapat na set, talagang nagdomina ang dalawang higante para makasalo ang Cignal HD Spikers sa maagang liderato sa anim na koponang liga sa 1-0 baraha.

“Ginamit ko nang husto ang skills ni Aliana. Sila ni Din­din ay maganda rin ang ginawa sa depensa,” wika ni Petron coach George Pascua.

Ang Russian import ng Generika na si Natalia Kurobkrova ay mayroong 23 hits sa 20 kills, dalawang blocks at isang ace habang sina Michelle Laborte, Cha Cruz at Abby Maraño ay mayroong 14, 12 at 10 puntos.

Sa ikatlong set, nakaisa ang koponang hawak ni coach Ramil de Jesus nang bilisan nila ang pag-atake pero nakapag-adjust ang Petron sa sumunod na set para itulak ang Generika sa 0-1 baraha at nakasama ang RC Cola-Air Force Raiders. (AT)

vuukle comment

ABBY MARA

ALAINA BERGSMA

ANG RUSSIAN

BLAZE SPIKERS

CHA CRUZ

COLA-AIR FORCE RAIDERS

DINDIN SANTIAGO

ERICA ADACHI

GENERIKA

PETRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with