Arum susugalan pa rin si Donaire
CARSON – Hindi pa rin sinusukuan ni Bob Arum si Nonito Donaire matapos lumasap ng pinakamasamang pagkatalo sa kamay ng knockout puncher at walang talong si Nicholas Walters.
“The fact that you lose is not a death sentence,” wika ni Arum. “It was a good fight but that Jamaican guy is one hell of a puncher.”
Isang overhand right ang tumama sa sentido ni Donaire ang tumapos sa title fight sa ikaanim na round kahapon na ginawa sa StubHub Center sa Carson, California. Ito ang ikalawang pagkakataon sa laban na tumumba si Donaire para makita ang hirap na inabot sa katunggali.
Sa istatistika ng laban ay talagang walang ibinuga si Donaire dahil nagpakawala si Walters ng 284 punches at 85 ang tumama kumpara sa 169 lamang ng Filipino boxers at 40 ang kumonekta.
May 41 power punches pa ang walang talo at bagong WBA featherweight champion at mas mataas ito ng lima kay Donaire.
Wala pa namang masabi si Donaire sa kanyang hinaharap.
- Latest