^

PSN Palaro

Donaire knockout kay Walters sa 6th round

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

CARSON, California – Hinarap ni Nonito Donaire Jr. ang isang kalaban na mas magaling at mas ma­lakas sa kanya at bumagsak sa huling segundo sa sixth round dito sa StubHub Center kahapon.

Kumonekta si Nicholas Walters, ang knockout ar­tist mula sa Jamaica, ng isang overhand right sa ibabaw ng kanang tenga ni Donaire para hirangin bilang nag-iisang WBA featherweight champion.

Nabigo si Donaire na mapatama ang kanyang killer punch at left hook at naiwang nakabukas ang depensa na nagresulta sa knockout punch ni Walters.

Nang maikonekta ito ni Walters ay bumagsak si Donaire na una ang mukha sa sahig.

Sa pagsisimula ng pagbilang ni referee Raul Caiz Jr. sa nakahigang si Donaire ay patuloy ang pagdurugo sa mga mata nito.

Unti-unti siyang nakatayo ngunit kumalog ang mga tuhod kaya nagdesisyon si Caiz na ihinto ang laban.

Ito ang unang pagkakataon na napabagsak si Donaire, napatumba rin ni Walters sa third round, sa kanyang pro boxing career.

Ipinagdiwang ni Walters ang tagumpay sa kanyang corner, habang naupo lamang sa silya si Donaire.

Pinunasan ng kanyang father/trainer na si Nonito Sr. ng bulak ang mga putok sa mukha ni Donaire at pagkatapos ay hinalikan ang pisngi ng kanyang anak.

Pinuri ni Donaire ang 25-anyos na Jamaican na itinaas ang kanyang record sa 25-0 kasama ang 21 knockouts.

“I can’t compete with a guy like Walters, with his size and power and overwhelming aura in the ring. He came out as tough as I thought he would be,” wika ni Donaire, may 33-3-0 ring record ngayon.

“He was just amazing and knocked the shit out of me. He’s an amazing guy.  I was at my best. I never trained this hard. He beat the shit out of me.”

Tinanong ni Max Kellerman, ang HBO ring analyst, si Donaire kung mayroon pa siyang gustong sabihin kay Walters.

“You are amazing,”  sabi ng Filipino fighter.

vuukle comment

CAIZ

DONAIRE

HINARAP

MAX KELLERMAN

NICHOLAS WALTERS

NONITO DONAIRE JR.

NONITO SR.

RAUL CAIZ JR.

WALTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with