^

PSN Palaro

Altas at Blazers pupustura sa Final Four

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magpapatatag ang Per­petual Help at ang College of St. Benilde sa upuan sa Final Four sa kanilang pag­kikita ngayong hapon sa 90th NCAA men’s basket­ball tournament sa The Are­na sa San Juan City.

Sa ganap na alas-4 ng hapon magsisimula ang natatanging bakbakan sa seniors’ division at ang ma­nanalo sa Altas at Blazers ang hahawak sa mahala­gang ikatlong puwesto.

Okupado ngayon ng Blazers ang paglalabanang puwesto sa 10-5 baraha, habang kapos ng kalaha­ting laro ang Altas sa 10-6.

May 10-6 karta rin ang host Jose Rizal University kaya kung ang Altas ang mamalasin ay m­asosolo ng Heavy Bombers ang ika­­apat na puwesto.

Mabibiyayaan din ng pagkatalo ng Perpetual ang nangunguna at four-time defending champions na San Beda Red Lions (13-4) dahil aangkinin nila ang isa sa dalawang upuan na magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage.

Sina Juneric Baloria, Earl Scottie Thompson at Harold Arboleda ang mga sasandalan ni head coach Aric del Rosario.

Sa kabilang banda, si­na Paolo Taha, Jonathan Grey at Mark Romero ang ka­kamada para sa tropa  ni mentor Gabby Velasco pa­ra maiusad ang isang paa patungo sa semifinals bukod sa pagpapanatiling buhay sa paghahabol sa ‘twice-to-beat’ incentive.

Ang Arellano Chiefs ang nasa ikalawang posisyon sa 12-4 baraha pero pu­­we­­de pa silang malag­lag.

vuukle comment

ALTAS

ANG ARELLANO CHIEFS

COLLEGE OF ST. BENILDE

EARL SCOTTIE THOMPSON

FINAL FOUR

GABBY VELASCO

HAROLD ARBOLEDA

HEAVY BOMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with