^

PSN Palaro

James wala pang desisyon kung maglalaro sa 2016 Rio Olympics

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND – Hindi alam ni  LeBron James kung mag­tatangka pa siyang muling makakuha ng Olympic gold medal.

Sinabi ni James na wala pa siyang desisyon kung mag­lalaro para sa Team USA sa 2016 Olympics sa Brazil kung saan maaari niyang makamit ang kanyang ikatlong sunod na gintong medalya.

Sinabi na ni Oklahoma City superstar Kevin Durant na muli siyang maglalaro para sa American team sa 2016 Rio Olympics.

“I'm nowhere near there,” wika ni James. “I haven't even thought about it too much. Obviously I know what's going on and what's happening. I haven't decided.”

Tatlong beses nang nakapaglaro ang 29-anyos na si James para sa U.S. Olympic teams.

Nakakuha siya ng bronze medal noong 2004 sa Athens Games kasunod ang dalawang golds noong 2008 sa Beijing at noong 2012 sa London.

Hindi naglaro si James para sa Team USA sa pi­naghariang 2014 FIBA World Cup.

Nakatakdang harapin ni James at ng kanyang Ca­valiers ang Miami Heat sa isang exhibition game sa Rio de Janiero, Brazil.

vuukle comment

ATHENS GAMES

BEIJING

JAMES

KEVIN DURANT

MIAMI HEAT

OBVIOUSLY I

OKLAHOMA CITY

RIO OLYMPICS

SINABI

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with