^

PSN Palaro

Mailap ang ginto para sa mga Pinoy

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea -- Ma­lugod na tinanggap ng Team Philippines ang paniniyak ng medalya ng boksingerong si Charly Suarez upang ka­hit paano ay maibsan ang sa­kit dulot ng pagtiyak na maililis­ta ang pinakamasamang pag­tatapos ng men’s basket­ball sa kasaysa­yan ng paglahok sa Asian Games.

Pinulbos sa suntok ni Sua­rez si Ammar Jabbar Hasan ng Iraq sa kabuuan ng tatlong rounds na bakbakan tungo sa unanimous victory sa quarterfinals sa lightweight division sa Seonhak gymnasium.

Si Suarez ang unang na­­kapasok sa semifinals sa mga panlaban ng ABAP at magtatangka siyang umabante sa finals sa pagsukat kay Obada Mohammad Mus­tafa Alkasbeh ng Jordan sa Huwebes.

Kinumpleto ni  Wilfredo Lo­pez ang dominasyon ng Pilipinas laban sa mga Iraqi boxers nang kunin 3-0  panalo kay Waheed Abdulridha sa round-of-16 match sa middleweight division.

Ang pagpapasikat sa boxing ring ay hindi natapatan sa basketball court sa Hwaseong Sports Complex nang lasapin ng Gilas Pilipinas ang 71-78 pagkatalo sa batang koponan ng China sa consolation round.

Kasalukuyan pa ring may dalawang silver at isang bronze medal ang bansa mula sa wushu at isang bronze sa archery.

Sa kabila naman ng ka­nilang iniskor na tatlong runs sa fifth inning ay nabigo pa ring maitakas ng Blu Girls ang panalo nang tumukod sa Chinese-Taipei, 5-4 sa women’s softball competitions.

“We are on course toward what we have planned for the Asian Games,” sabi ni Blu Girls assistant coach Ana Santiago.

Ito ang ikatlong kamalasan ng Blu Girls sa apat na laro, ngunit may pag-asa pa ring makapasok sa page playoffs at maibulsa ang bronze medal.

Bigo rin ang bansa sa men’s singles sa soft tennis matapos matalo si Jhomar Arcila kay Yusheng Zhang ng China, 4-1, habang na­diskaril naman si Noelle Con­chita Zoleta kontra kay Phonesamal Champamanivong ng Laos, 4-0 sa pag­­sisimula ng nasabing kom­­petisyon.

Samantala, dumating na kahapon si Fil-American Daniel Caluag, sumabak sa 2012 Olympic Games, ka­sama ang kapatid na si Christopher para lumahok sa BMX compeititon.

vuukle comment

AMMAR JABBAR HASAN

ANA SANTIAGO

ASIAN GAMES

BLU GIRLS

CHARLY SUAREZ

FIL-AMERICAN DANIEL CALUAG

GILAS PILIPINAS

HWASEONG SPORTS COMPLEX

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with