^

PSN Palaro

Suarez sigurado na para sa bronze

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea -- Ti­ni­yak ni Charly Suarez na makakapaghatid ng me­dalya ang national bo­xing team nang talunin niya si Am­mar Jabbar Hasan ng Iraq sa quarterfinals ng lightweight division kahapon sa 17th Asian Games sa Seonhak gymnasium dito.

Agresibong hinarap ni Sua­rez ang Iraqi boxer at pi­naulanan niya ito ng suntok sa kabuuan ng tatlong rounds.

Nabawasan pa ng pun­tos ang 26-anyos na si Sua­rez sa second round pe­ro hindi ito nakaapekto sa kanyang kampanya matapos ang 29-27 iskor mula sa tatlong hurado sa men’s lightweight (60kg.) class

Ito ang kauna-unahang me­dalya ng bansa sa bo­xing at puwede pa itong ma­ging gintong medalya kung papalarin ang 2011 SEA Games champion sa semifinals laban kay Obada Mohammad Mustafa Alkasbeh ng Jordan sa Oktubre 2.

Umabante si Alkasbeh sa Final Four mula sa 3-0 pa­nalo laban kay Soonshul Han ng Korea.

Lumapit naman si middleweight Wilfredo Lopez sa isang panalo para ma­ka­­tiyak ng bronze medal sa pa­mamagitan ng 29-28, 29-28, 29-28 panalo kontra kay Waheed Abdulridha ng Iraq sa men’s middleweight (75kg.) category.

Susunod na susukatin ng 29-anyos na si Lopez, isang silver medalist ng 2013 Myanmar SEA Games, si Shinebayar Naritan­dakh ng Mongolia sa quarterfinals ngayon.

Pagsisikapan din nina Olympian Mark Anthony Bar­riga at Mario Fernandez na dagdagan pa ang me­dalyang tiyak na hawak ng bo­xing sa pagsalang sa quarterfinals.

Katunggali ni Barriga si Hasanboy Dusmatov ng Uzbekistan sa light flyweight, habang si Fernandez ay makikipagbasagan ng mukha kay Shiva Thapa ng India sa bantamweight di­vision.

Apat na lamang na boksingero ang na­katayo para sa kampanya ng Pilipinas da­hil namahinga na sina Ian Clark Bautista at Dennis Galvan sa kalalakihan at sina Josie Gabuco at Nesthy Pe­tecio sa kababaihan.

 

vuukle comment

ASIAN GAMES

CHARLY SUAREZ

DENNIS GALVAN

FINAL FOUR

HASANBOY DUSMATOV

IAN CLARK BAUTISTA

JABBAR HASAN

JOSIE GABUCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with