^

PSN Palaro

MVP may mensahe sa Gilas Pilipinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang hindi magandang karera sa 17th Asian Games, pinasalamatan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan ang Gilas Pilipinas sa kabila ng pagkatalo.

Ipinadaan ni Pangilinan ang kanyang mensahe sa micro-blogging site na Twitter upang kilalanin ang sakripisyo ng koponan sa nakalipas na dalawang taon.

Naging maganda ang programa ng Gilas sa pamumuno ni Chot Reyes matapos makopo ang titulo sa Jones Cup, tumapos ng pangalawa sa FIBA Asia Men's Championship na naging susi upang basagin ang 40 taong hindi pagpasok sa FIBA World Cup kung saan napabilib ang buong mundo.

Ngunit sa kasamaan palad ay masama ang nilaro ng koponan sa Asian Games kung saan ay tatlong magkakasunod na talo ang kanilang natamo dahilan upang hindi makatawid sa semi-finals at malusaw ang tsansang makakuha ng medalya.

Nais ni Pangilinan na ngayon pa lamang ay tutukan na ng koponan ang pagpasok sa 2016 Olympics.

Marami ang nadismaya sa paninisi ni Reyes sa naturalized center na si Marcus Douthit nang matalo sila sa Qatar.

Kumalat na rin ang panawagan para sa kanyang pagbibitiw at sinabi ni Reyes na bahala na ang mga nasa itaas kung ano ang gagawin sa kanya.

Sa ngayon ay magpapahinga muna ang mga miyembro ng Gilas bago bumalik sa kani-kanilang koponan sa Philippine Basketball Association.

vuukle comment

ASIA MEN

ASIAN GAMES

BLOCKQUOTE

COM

IAMMVP

MANNY V

PANGILINAN

SCRIPT

TWITTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with