^

PSN Palaro

P200K na tseke ibinigay ng NU Pep Squad sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mabibiyayaan din ang mga nabiktima ng bagyong ‘Yolanda’ mula sa panalo ng National University Pep Squad sa UAAP Cheerdance Competition noong Linggo.

Sa Thanksgiving Party kahapon sa NU gym, ibinigay ng mga kasapi ng pep squad ang tsekeng nagkakahalaga ng P200,000.00 sa SM Foundation para ma­katulong sa pagpapata­yo ng isang bahay na ibibigay sa nabiktima ng bagyo noong nakaraang taon.

Ang halagang ito ay ibi­nawas sa P340,000.00 prem­yo nang mapagta­gumpayan ng NU ang mai­depensa ng titulo sa UAAP Cheerdance.

“Sobra-sobra na ang blessing na nakukuha namin sa Itaas kaya nararapat lang siguro na ibahagi naman ito sa mga nanganga­ilangan,” wika ni NU Pep Squad coach Ghicka Bernabe.

Dahil sa ginawa ng mga alaga, maging si team sponsor Macario Gaw Jr. ay nagbigay din ng kanyang bahagi nang tinapatan niya ang halagang ito ga­ling sa sariling bulsa.

“As the team sponsor, I am obliged to follow the example set by these athletes. I am also contributing P200,000.00 to the Foun­dation to make it two houses for the Yolanda victims,” pahayag ni Gaw.

Ipinakita ng mga kasali ng koponan ang kanilang winning performance sa ha­rap ng mga kapwa mag-aaral bukod pa sa mga NU officials.

“After winning again in the UAAP, we plan to re­present the country in an in­ternational cheerdance com­petition. Wala pa naman itong kasiguraduhan pe­ro we are pushing for it for us to improve on our le­vel at para malaman kung saan kami kung sa in­ternational level ang pag-uusapan,” pahayag ni team manager Patricia Chunsim.

Tiniyak din ng pamu­nu­an ng koponan na pag­sisikapin nila na palawigin ang pagdodomina sa kompetisyon sa susunod na taon at maaga silang magpeprepara lalo pa’t 14 sa 30 regular members ang mawawala na dahil sa graduation.

 

 

vuukle comment

CHEERDANCE COMPETITION

GHICKA BERNABE

MACARIO GAW JR.

NATIONAL UNIVERSITY PEP SQUAD

PATRICIA CHUNSIM

PEP SQUAD

SA THANKSGIVING PARTY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with