^

PSN Palaro

Robinson pinapirma ng Timberwolves; Rockets kinuha si guard Jason Terry

Pilipino Star Ngayon

MINNEAPOLIS -- Pinapirma ng Minnesota Timberwolves si second-round draft pick Glenn Robinson III.

Ito ang inihayag ng Timberwolves halos dalawang linggo bago simulan ang ka­nilang training camp.

Si Robinson ang 40th overall pick draft mula sa Michigan ngunit hindi siya kaagad naka­tiyak ng roster spot dahil nagsagawa ng pag­balasa sa kanilang line-up ang Timberwolves matapos dalhin si Kevin Love sa Cleveland Cavaliers para sa isang trade.

Sa pagkuha kay Robinson, ang Timberwolves ay may­roon ngayong 16 pla­yers sa kanilang koponan na may kontrata at sobra ng isa sa pinapayagang bi­lang ng liga.

Posibleng bitawan ng Min­nesota si veteran point guard J.J. Barea, nasa huling taon sa kanyang kon­trata.

Sinubukan ng Timberwolves na mahanapan ng trade si Barea ngunit walang kumagat dito.

Maaari silang makipag-usap kay Barea para sa isang buyout.

Sa Houston, kinuha naman ng Houston Rockets si veteran guard Jason Terry at ang draft picks mula sa Sacramento Kings bilang kapalit nina Alonzo Gee at Scotty Hopson.

Bukod kay Terry, mahu­hugot din ng Rockets ang se­cond-round pick ng Kings sa 2015 kung makakapili sila mula sa No. 31 hanggang No. 49.

Makukuha rin ng Houston ang unprotected se­cond-round pick ng New York sa 2016 draft.

Si Terry ay ikalawa lamang sa mga active pla­yers na may 1,950 3-poin­ters.

Sinimulan ng 15-year ve­teran shooting guard ang nakaraang season sa Brooklyn bago siya na-trade sa Sacramento.

Sina Gee, isang forward, at Hopson, isang guard, ay naglaro sa Houston sa offseason via three-team trade sangkot ang Washington at New Or­leans na nagdala kay Tre­vor Ariza sa Rockets.

 

vuukle comment

ALONZO GEE

BAREA

CLEVELAND CAVALIERS

GLENN ROBINSON

HOUSTON ROCKETS

JASON TERRY

KEVIN LOVE

SHY

TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with