^

PSN Palaro

UST, UP nagkampeon sa 77th UAAP taekwondo event

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng University of Santo Tomas ang isang per­pektong season matapos angkinin ang men’s crown, ha­bang tinapos ng University of the Philippines ang ka­nilang 12-taong pagkauhaw sa titulo ng women’s division sa UAAP Season 77 taekwondo tournament noong Martes ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Tinalo ng Growling Tigers ang Fighting Maroons, 4-3, para sa six-fight sweep patungo sa pagkopo sa kanilang pang-12 title overall.

 “Sobrang saya since last playing year ko na. Kasi pi­naghirapan din talaga namin, bawat isa nagsumikap talaga para maibalik sa amin ang championship,” sabi ni Paul Romero, ang hinirang na men’s Most Valuable Pla­yer.

Sa pangunguna naman ni season MVP Charizza Ca­mille Alombro, pinayukod ng UP ang De La Salle, 5-2, para sa kanilang ikalawang korona.

Tinapos ng Lady Maroons, huling nagkampeon no­ong 2002 sa likod ni Sugar Catalan, ang season sa ka­nilang 5-1 slate kung saan ang nag-iisa nilang kabiguan ay mula sa mga kamay ng Tigresses, ang line-up ay ki­nabibilangan ng mga national team mainstays.

 “Matagal na naming hinihintay na mag-champion ang women’s team. Nagtiwala kami na kahit anong nangyari, kaya naming mag-champion at naging united ka­mi,” wika ng 19-anyos na si Alombro.

Ang Rookie of the Year honors ay ibinigay kay Aries Ca­pispisan ng UST sa men’s division at kay Camille Bon­­je ng La Salle sa women’s side.

Ang mga gold medalists sa men’s division ay sina Ariel Bacud (fin) at Elijah Marcelino (feather) ng FEU, Rhayzor Catris (fly) at Gian Rubio (bantam) ng UST, Kiko Sembrano (light) ng La Salle, Arven Alcantara (welter) ng NU at Guillano de Dios (middle heavy) ng UP.

Kumuha naman ng ginto sa women’s class sina Ron­nielette Balancio (fin) at Clouie Bolinas (welter) ng FEU, Korina Paladin (fly) at Jane Narra (middle heavy) ng UST, Stephanie Osio (bantam) ng UP, Shiryl Badol (feather) ng NU at Bonje (light) ng La Salle.

vuukle comment

ALOMBRO

ANG ROOKIE OF THE YEAR

ARIEL BACUD

ARIES CA

ARVEN ALCANTARA

CAMILLE BON

CHARIZZA CA

LA SALLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with