^

PSN Palaro

Walang urungan

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Napanood daw ni Manny Pacquiao ang laban ni Floyd Mayweather at Marcos Maidana.

At sinabi ng batikang Pinoy boxer na hindi siya impressed sa kanyang nakita.

Kahit ako, hindi ako masyadong impressed sa pinakita ni Mayweather na binigyan ang kanyang sarili ng gradong C-minus.

“May footwork naman. Nasobrahan sa footwork,” ang wika ni Pacquiao sa GMA-7 report.

“Suntukan yun eh,” dagdag pa ni Pacquiao.

Napansin din ni Pacquiao na tumanggap si Mayweather ng malalakas na suntok mula kay Maidana.

At sa panayam nga ni Mayweather sa mga re­porters isang araw matapos ang laban, maga ang labi nito at mukhang may tama rin sa ilong.

Ngayon ko lang yata nakita si Mayweather na maga ang labi at ilong.

Napansin din ito ni Pacquiao.

“Namaga yung ilong niya. Marami siyang tama,” sabi ni Pacquiao.

Sa aking nakita nung Linggo, mukhang halata na ang edad ni Mayweather sa loob ng ring.

At sa edad na 37 ay mukhang bumagal na siya ng kaunti.

Si Pacquiao naman ay naghahanda na para sa kanyang laban kay Chris Algieri sa Nov. 23 sa Macau. At kailangan niyang maging impresibo rito.

Kung mapapakita niya ang dati niyang lakas at bilis, marami ang maniniwala na walang epekto ang kanyang kakila-kilabot na knockout loss kay Juan Manuel Marquez nung 2012.

Kailangan niya ipakita na siya pa rin ang dating Manny Pacquiao.

At kailangang makita ito ni Mayweather.

Siguradong hihiyaw na ang mga tao ng Pacquiao vs Mayweather para sa 2015.

Huwag sanang umurong si Mayweather.

vuukle comment

CHRIS ALGIERI

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARCOS MAIDANA

MAYWEATHER

NAPANSIN

PACQUIAO

SI PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with